Sinimulan ng Riot Games ang taon sa pamamagitan ng pagpapakilala sa dalawang bagong karakter sa Valorant at League of Legends. Sila Neon at Zeri ay halos magkasabay na inilabas ng game developer sa multiplayer online battle arena (MOBA) at first-person shooter titles nito.

Bagamat nilinaw na ng Riot Games na hindi magkaugnay ang dalawa, hindi maikakailang mayroong pagkakapareho sina Neon at Zeri pagdating sa kanilang hitsura, abilities at pinakamahalaga sa lahat, sa kanilang cultural inspirations.


Sila Neon at Zeri ay ibinase sa madalas na problema sa kuryente sa Manila, sabi ng Riot Games

Neon at Zeri
Credit: Riot Games

Sila Neon at Zeri ay magkaibang charges ng iisang baterya. Ito ang kinumpirma ng narrative writer na si Michael “SkiptoMyLuo” Luo sa Valorant developer blog ng Riot Games. Ang blue-haired na si Neon ang negative charge habang ang green-haired na si Zeri naman ang positive charge, na mahahalata sa bandages na nakalagay sa kanilang mukha.

“Neon’s prickly and a bit more guarded—blunt, sarcastic, slightly biting. It seems like she doesn’t care about you, but deep down she does care and wants to do the right thing,” paliwanag ni SkiptoMyLuo. “Compared to Zeri’s warm, bright—but still stubborn and impatient at times—personality, we just felt like it was a cool way to tie their electricity theme into who they are.”

Hindi rin kataka-taka na ang dalawa ay Filipino-inspired. Inilahad ng developers ang magkaibang pananaw nina Neon at Zeri pagdating sa pamilya, ang pinakamahalagang social group sa kulturang Pilipino. Niyayakap ni Zeri ang pagmamahal at suporta ng kanyang pamilya habang si Neon naman ay tila nasasakal nito.

Dagdag pa rito, ang pangunahing idea sa kanilang kapangyarihan ay nagmula sa madalas na blackout at electricity interruptions sa Manila.

“I grew up in Manila, and we were planning on making Filipina characters—something that means a lot to me, personally,” wika ni Lead Concept Artist Gem “Lonewingy” Lim. “And in Manila we have a lot of blackouts, and electricity problems in general. It just felt like a nice little nod to life there.”

Sa katunayan, ilang siyudad sa Metro Manila tulad ng Caloocan, Pasig at Quezon City ang nakaranas ng rotational blackouts noong nakaraang taon dahil sa mababang power supply mula sa Manila Electric Company (Meralco), ang nangungunang electric power distributor sa bansa.

Selected cities in Metro Manila such as Caloocan, Pasig, and Quezon have experienced rotational blackouts just last year due to low power supply from the Manila Electric Company (Meralco), the country’s electric power distributor.

Ang kabuuan ng Valorant dev blog ng Riot Games ay maaaring makita sa opisyal na website nito. Samantala, pwede nang laruin ng fans sina Neon at Zeri sa kani-kanilang laro.

Para sa mga balita at guides na tinatampok ang Valorant at League of Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Basahin ang orihinal na akdang sinulat ni Kristine Tuting ng ONE Esports.