Maaaring NAVI na ang best team sa EMEA league sa VCT 2023.

Inanunsyo ng Ukrainian organization ang pagpirma ng karamihan nang mga dating miyembro ng FunPlus Phoenix roster, ang team na nanalo sa Masters Copenhagen sa kanilang unang pagsabak sa international stage at kumuha ng ikaapat na pwesto sa Valorant Champions 2022.

Inaasahan nang hahabulin ng marami ang FPX roster, dahil ito sa maganda nilang ipinakita sa magkasunod na global LAN events. Hindi nakakuha ang FPX ng partnership slot sa EMEA league at pormal na pinakawalan ang kanilang roster kamakailan.

Nakuha ng NAVI ang FPX quartet para sa VCT 2023

Navi Roster VCT 2023
Credit: NAVI

Ang roster ay pamumunuan ng in-game leader na si Kyrylo “ANGE1” Karasov, isang CS:GO veteran at isa sa mga pinakamahusay na IGL sa Valorant.

Inakay ni ANGE1 ang dating FPX squad patungo tuktok ng Europe, sa kanyang pagtulong na mahubog ang mga dating wala pang napapatunayan upang maging isang dominanteng pwersa.

Gayunpaman, hindi na ito ang dating FPX na nakasanayan natin. Ang Acend superstar na si Mehmet “cNed” Yağız İpek ay papalit kay Ardis “ardiis” Svarenieks, upang buuin ang star-studded na lineup. Si cNed ay naging bahagi ng Acend squad na nagwagi sa unang Valroant Cahmpions noong 2021, na nagpakilala sa kanya bilang top-tier duelist sa Jett.

Napabalitang lilipat si ardiis sa Los Angeles upang sumali sa NRG Esports. Sang-ayon ito sa anunsyo ng NAVI na nagsasabing ipagpapatuloy niya ang kanyang career sa ibang rehiyon.

NAVI Valorant roster

  • Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin
  • Pontus “Zyppan” Eek
  • Kyrylo “ANGE1” Karasov
  • Andrey “Shao” Kiprsky
  • Mehmet “cNed” Yağız İpek

Ang pagpirmang ito ang kumakatawan sa kumpletong overhaul ng 2022 roster ng team. Ang tampok ang maraming promising talent sa dating all-CIS team, subalit hindi nila nagawang makapasok sa mataas na antas ng European Valorant.

 “We aim for the highest result in every competition, so doing our best is a consistent approach for us,” sabi ng NAVI COO na si Oleksii ‘xaoc’ Kucherov sa Dexerto. “Our previous team didn’t deliver tier one results in 2022, even though we had very close games almost every time.”

Kasama din ang dating FPX coach na si Erik “d00mbr0s” Sandgren. Ang Swedish coach ay kasama na ng FPX mula pa noong August 2022.

Ang team ay magkakaroon ng debut sa G-Loot Valorant Clash tournament, na gaganapin online mula November 25 hanggang 27. Ang kanilang unang international appearance ay gaganapin sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.