Opisyal na mapapadpad sa Japan ang Valorant para sa VCT Masters Tokyo 2023.
Ang anunsyong ito ay naganap sa ONE Pro Valorant Invitational, isang off-season tournament kung saan nag-host ang Riot Games ng anim na show matches tampok ang limang VCT-partnered teams.
Ang Masters Tokyo ang magiging isa sa mga pinakamalaking Valorant LAN competitions ng taon na kabibilangan ng mga top-ranked teams mula sa kauna-unahang International League splits.
VCT Masters Tokyo 2023 ay gaganapin sa June
Sinabi ng Esports Communications Lead ng Riot Games na si Anton “JokrCantSpell” Ferraro na mabilis na lumago ang Valorant community sa Japan nitong nagdaang labindalawang buwan, na isa sa mga dahilan kung bakit napili nilang dito idaos ang Masters.
Nagkaroon ng nakakabilib na bracket run ang Zeta Division noong Masters Reykjavik, kung saan napatalsik nila ang mga top-ranked squads kabilang na ang Team liquid, DRX, at Paper Rex.
Nagtapos sila sa third place sa Masters Reykjavik, ang pinakamataas na pwesto na nakuha ng isang Japanese team sa isang international Valorant LAN event.
Maglalaro sa Masters Tokyo ang top ten teams sa buong mundo. Tatlo mula sa bawat isa sa mga International Leagues, at ang team na magwawagi sa VCT Lock/In event sa Brazil ang kukuha ng karagdagang slot para sa Tokyo.
Ang mga top-performing teams sa Masters Tokyo ay maagang masisiguro ang kanilang pagsali sa Valorant Champions 2023. Matapos itong Masters event sa Japan, ang mga teams ay kinakailangang manalo sa kani-kanilang Last Chance Qualifiers upang makapaglaro sa Valorant World Championship sa pagtatapos ng taon.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.