Opisyal nang inanunsyo ng Riot Games ang ilang mahalagang impormasyon patungkol sa VCT Masters Tokyo, partikular na ang schedule, format, at regional distribution.

Ang ikalawang international LAN event ng VCT 2023 season ay isasagawa mula ika-11 hanggang ika-25 ng Hunyo. Ang 12 na pinakamalakas na koponan mula sa Americas, EMEA, Pacific, at China regions ay magsasagupaan sa isang double elimination bracket.


Regional slot distribution ng VCT Masters Tokyo

Masters Tokyo regional slot distribution
Credit: Riot Games

Mas direkta ang pag-qualify ngayon sa Masters kumpara sa nakaraang taon.

Ang lahat ng 30 partnered teams ay maglalaban-laban para sa puwesto sa Masters Tokyo simula sa regular season ng international leagues sa pagtatapos ng March, na agad susundan ng playoffs.

Papasok sa torneo ang top 3 teams mula sa Americas, EMEA, at Pacific, habang ang China ay may dalawang koponan. Gayunpaman, ilalahad pa ng Riot Games kung paano makakapag-qualify ang Chinese teams.

Valorant Champions Main Stage
Credit: Riot Games

Samantala, ang hihiranging kampeon ng VCT LOCK//IN ay makakapagbigay ng karagdagang slot para sa kanilang rehiyon sa Masters Tokyo.

Ang mga koponan na makakapunta sa Tokyo ay magtatagisan para sa VCT circuit points, na siyang kakailanganin para naman makausad sa Valorant Champions 2023 sa dulo ng season.

Basahin ang buong anunsyo ng Riot Games dito.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa orihinal na akda mula sa ONE Esports.