Isang pwersa ng kalikasan ang mayroon sa Brazil. Noong February, pumasok sa eksena ang LOUD Valorant gamit ang kanilang bagong roster na may halong beterano at baguhang talents. 

Isa itong formula na ginaya rin ng top North American seed na The Guard, at nakakita sila ng tagumpay sa VCT NA Stage 1 Challengers. 

Unang sumali bilang free agents sa ilalim ng Pancada e Amigos, nakatanggap ng atensyon ng LOUD Valorant dahil sa kanilang flawless run sa qualifiers ng VCT Brazil Stage 1 Challengers. 

Tampok ang dating Team Vikings players na sina Gustavo “Sacy” Rossi at Matias “Saadhak” Delipetro na parehas nabigay ng malalaking numero sa Valorant Champions 2021 bilang initiator at sentinel, handa na magiwan ng marka ang Valorant team ng LOUD. 

Binuo ng trio nina Erick “aspas” Santos, Felipe “Less” Basso, at Bryan “pANCada” Luna ang team, at pinaandar sila ng kanilang purong mechanical talent at uhaw para ilagay sa mapa ang Brazil. 

Ang langit ang hangganan para sa LOUD Valorant 

LOUD Valorant
Credit: LOUD

Agad na napansin ang LOUD sa local competition ng Valorant. Matapos malagpasan ang qualifers, dinala ng team ang kanilang undefeated streak sa group stage at playoffs matapos manalo sa mga bigating teams tulad ng Liberty, Keyd Stars, at Ninjas in Pyjamas. 

Mula sa 31 maps na nilaro sa Stage 1, na-drop lang ang LOUD Valorant sa dalawa. Walang team sa Brazil ang nakalapit sa mga bagong titans na ‘to — winalis nila ang second-placed Ninjas in Pyjamas 3-0 nang dalawang beses sa upper bracket final at grand final. 

Pinagyayabang ni Saadhak ang isang diverse agent pool dahil sa kaniyang abilidad mag-flex gamit sina KAY/O, Skye, Breach, Chamber, at kahit si Raze. 

Nakabuo na ng reputasyon si Sacy para sa kaniyang sarili bilang isa sa pinakamahusay na Sova players ng laro, sa pamamagitan ng paghalo niya ng kaniyang flawless utility usage sa kaniyang timed-aggerssion para maangat ang team niya. 

LOUD Valorant aspas
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Matapos ang kaniyang kahanga-hangang showing sa VCT Brazil Stage 1 Challengers, nakagawa ng isang malakas na kaso ang 18-year-old na si aspas para sa sarili niya bilang ang pinakamagaling na Jett player sa rehiyon niya. Ang kaniyang 1.80 K/D ay mas nauna pa sa mga kasama niya sa Brazil, at makikita natin ang kaniyang performance sa Masters Reykjavik sa Iceland.