Puro berde ang upper bracket final ng Valorant Champions 2022 .
Hinarap ng OpTic Gaming ang LOUD sa ika-limang beses ngayong taon para maging isa sa pinaka-kumpitetib na katunggalian sa Valorant history. Ngunit ang Brazilian squad ang nanaig sa tuktok ngayon at nakapaghiganti na sa wakas para sa kanilang tatlong series losses sa isang decisive 2-0 sweep.
Isang replay ng match na ito ang nangyari sa Masters Reykjavik, kung saan nagtagpo ang dalawang teams sa upper bracket final. Nakuha ng LOUD ang serye na iyon sa Iceland, ngunit natalo sa OpTic sa grand final.
Ngunit hindi na nagpatalo ang LOUD sa Istanbul. Pinutol nila ang 6-0 win streak ng OpTic sa Bind, isa sa kanilang pinakamalakas na mapa, at kinuha rin ang Ascent sa isang tambak na 13-3 scoreline.
LOUD, pinatumba ang OpTic para umabante sa grand final
Gitgitan ang dalwang teams sa unang kalahati sa Bind, at pumasok sa pangalawang kalahati nang naka-tie sa 6-6. Ngunit nagumpisa nang tambakan ng LOUD ang kanilang kalaban matapos nila makuha ang pangalawang pistol round, kung saan naging buhay si Felipe “Less” Basso.
Kahit si Jaccob “yay” Whiteaker ay hindi kinayang pigilan ang pagsalakay ng LOUD, kung saan siya ang palaging natitirang last man alive sa iilang LOUD players.
Pinasok ng Brazilian powerhouse ang kanilang map pick na Ascent kung saan naging puno ito ng mga key clutches at napunta sa kanila ang mga crucial rounds.
Sa Round 4, isang 1v2 clutch ni Bryan “pANcada” Luna ang pumutol sa economy ng OpTic, at tinakbo na ng LOUD ang score sa isang 6-1 lead.
Ng may 10HP nalang na natira, ginamit ni pANcada ang From The Shadows ultimate ni Omen para makapag-reposition mula sa Hell papuntang A Main para iwasan ang isang bakbakan kay Austin “crashies” Roberts. Habang nauubos ang oras ng spike, walang choice si crashies kundi subukan I-defuse ang spike, para bigyan ng easy kill si pANcada.
Tinapos ng LOUD ang kanilang attacking half sa 9-3, at nakuha nila ang susunod na apat na rounds para manalo. Hindi pa sila natatalo sa isang mapa so far sa playoffs, at nasa isang flawless 6-0 streak sila ngayon.
Sa unang beses sa tournament, naging negatibo si yay sa unang kills at unang deaths sa kaniyang 3-4 gamit si Chamber, isang klarong senyas na nahirapan ang OpTic. Para mas maintindihan, panay leaderboard sa mga statistics si yay sa Champions.
Pagdating naman sa mga first kills at deaths, nangunguna siya sa kompetitsyon sa isang 61-20 scoreline. Sinundan siya ni Yu “BuZz” Byung-chul ng DRX sa kaniyang 59 first kills, ngunit 49 na beses na siya namatay.
“Haven’t lost that badly in a while,” tinweet ni Pujan “FNS” Mehta matapos ang match. “Congrats to them we got destroyed. I had no answer.”
Ngunit napunta na sila sa ganitong posisyon noon. Sa Reykjavik, tinalo nila ang Zeta Division sa lower bracket final at nanalo sa kanilang rematch laban ang LOUD, 3-0 sa grand final.
Maaring mapanood ang match nang live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.