Ang sikat na streamer na si Kyedae “Kyedae” Shymko ay nagpahayag sa Twitter na siya ay na-diagnose na may cancer.
Ibinahagi ng 100 Thieves content creator na malapit na siyang sumailalim sa paggamot para sa acute myeloid leukemia (AML), isang cancer sa dugo at bone marrow.
Sinabi rin niya na hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang katawan sa paggamot, kaya maaaring maging hindi pare-pareho ang schedule ng kanyang stream.
Kyedae inilahad ang cancer diagnosis
Ang tweet ng Valorant personality ay inulan ng suporta mula sa mga gaming personalities, kapwa content creator, Valorant community, at kanyang mga tagahanga. Lahat sila ay nagpphayag sa social media ng kanilang pagdamay at suporta.
Ang mga kapwa streamer na sina Jeremy “Disguised Toast” Wang at Christina “Tina” Kenyon ay humiling sa kanyang mabilis na paggaling.
Hinikayat din siya ng Valorant pros na sina Trent “trent” Cairns at Nathan “leaf” Orf na magpahinga at sinabing hindi siya obligadong mag-stream.
Sumagot ang 100 Thieves sa kanyang tweet na nagsasabing, “We’ll be here with you each step of the way.”
Ang AML ay isang uri ng cancer na mas karaniwan sa mga matatanda, na ang average na edad ng diagnosis ay nasa 68 years old, ayon sa isang pag-aaral mula sa American Cancer Society.
Kagagaling lang ng streamer mula sa São Paulo, Brazil, kung saan sinuportahan niya ang kanyang fiancé na si Tyson “TenZ” Ngo, at ang kanyang team na Sentinels, sa VCT LOCK//IN. Ang dalawang sikat na personalidad ng Valorant ay nagsimulang mag-date noong 2020, at sila ay nagpakasal noong Agosto 17 noong nakaraang taon.
Sa edad na 21 pa lamang, siya ay naging isa sa mga nangungunang Valorant streamer sa mundo, na nakakuha ng 2.1 million followers sa Twitch.
Naging maganda Rin ang takbo ng kanyang improvement bilang isang player, na naabot ang rank na Immortal I noong nakaraang taon.
Sa oras ng pagsulat, nakatakdang lumabas si Kyedae sa CONQuest Festival 2023. Kasama siya sa unang wave ng mga bisitang pupunta sa Pilipinas mula July 2 hanggang 4. Bilang isa sa mga kilalang panauhin sa convention noong nakaraang taon, naglaan siya ng oras kasama ang kanyang mga tagahanga at nasiyahan sa kulturang Pilipino.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.