Isang Killjoy Turret bug sa final round ng match ng XSET at FunPlus Phoenix sa Valorant Champions 2022 ay nag-pwersa ng isang replay ng round. Naipanalo ng North American squad ang round para mapunta sa isang intense na tatlong rounds ng overtime.
Nakuha muli ng FPX ang kanilang panalo sa isang 16-14 win, ngunit halatang pagod ang dalawang teams matapos ang sagutan na nangyari. Mataas din ang tensiyon matapos ang desisyon ng Riot Games na ipa-walang-bisa ang panalo ng FPX noong unang beses at I-replay ang round, at dahil dito naglabas ng sama ng loob ang iilang FPX players sa Twitter.
“Not demons just losers,” sinabi ni Dmitry “SUYGETSU” Ilyushin.
Dahil sa isang Killjoy Turret bug, kinailangan I-replay ang game-winning round ng FPX laban ang XSET
Sa Round 24, nagkaroon ng isang 3v2 post-plant ang XSET. Nagmukhang nasa pabor ng XSET ang sitwasiyon, bumaril sa direksiyon ng A Heaven ang Killjoy Turret ni Jordan “AYRIN”.
Ngunit ito’y isang Killjoy Turret bug pala at naging isang misdireksiyon. Lumayo sa A Tree si Rory “dephh” Jackson para tignan ang Heaven, ngunit nag-pu-push na pala mula sa Tree ang dalawang FPX players. Matapos mamatay nina AYRIN at Zachary “zekken” Patrone, naiwan sa isang matinik na 1v2 si dephh na hindi niya naipanalo.
Sa isang competitive ruling matapos ng nangyari, nag-desisyon ang Riot na I-replay ang round dahil sa mataas na potensiyal na impact na nagkaroon sa kinalabasan ng match at serye dahil sa Killjoy Turret bug.
“In the final round of the match, a bug caused the Killjoy Turret to fire in the wrong direction,” sinabi nito. “This resulted in false information that directly led to an XSET player looking in the wrong direction and had a high level of potential impact on XSET losing the round and match.”
Naging kontrobersiyal ang desisyon na ito. Habang ang epekto ng Killjoy Turret bug sa round ay hindi maitatanggi, maraming nagsasabing na kilalang glitch na ito na dapat ay kinonsidra ng XSET.
Nagkaroon ng puro clutches ang overtime mula sa dalawang teams, kasama na ang isang 1v3 mula kay Pontus “Zyppan” Eek. Naulit lang tulad ng unang beses ang mga pangyayari sa final round. Nagkaroon ng 3v2 man advantage ang XSET muli, ngunit rumesponde sina Kyrylo “ANGE1” Karasov at Zyppan ng mabilisang frags para masarado ang Ascent.
Uusad ang FPX para harapin ang DRX sa September 17, 1:00 a.m. GMT +8 | September 13, 10:00 a.m. PT | September 13, 5:00 p.m. GMT. Ito ang kanilang pangalawang paglalaban sa Champions, matapos ang 2-0 victory ng DRX laban sa kanila sa unang parte ng playoffs.
Maaring mapanood nang live ang match sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.