Ipinakilala ng Riot Games ang isang nakakaintrigang character concept sa Valorant nang ilabas nila si KAY/O — isang robot na nanggaling sa alternate future.
Ang ikaapat na initiator ng competitive first-person shooter ay may abilidad na i-suppress o pigilan ang kanyang mga kalaban na gumamit ng kanilang abilities sa maiksing oras.
Bukod sa pag-silence ng mga kalaban, mayroon ding flash at molly si KAY/O kaya naman isa siyang versatile addition sa kahit anong agent composition. Kapag ginamit nang tama ang lahat ng abilities niya, pwede niyang laruin bilang isang hybrid agent na sinusuportahan ang kanyang koponan at kaya ring manalo sa duels.
Narito ang lahat ng kailangan niyong malaman patungkol sa Valorant agent 16.
Sino si KAY/O at ano ang role niya sa Valorant
Pareho ang backstory ng war machine na ito sa Sentinels mula sa X-Men. Ang murder bot na ito ay binuo para sa isang rason: i-neutralize ang radiants.
Ang kanyang agent-select animation ay halos katulad sa Terminator ni Arnold Schwarzenegger, subalit gamit ang Shotgun (Bucky).
Nakalista siya bilang isang initiator na may abilities na kaiba kila Breach, Sova, at Skye. Pwede niyang gamitin ang kanyang abilities para mag-scout ng mga kalaban, pero mas maiging i-utilize kung idi-disrupt ang set plays ng kabilang koponan.
Inilarawan pa nga ni dating 100 Thieves’ captain Spencer “Hiko” Martin bilang isang hybrid duelist na pwedeng palitan sina Phoenix o Raze sa agent comp meta ng competitive scene.
Lahat ng abilities ni KAY/O
FRAG/MENT
Ang FRAG/MENT ay isang single-charge explosive na nag-a-activate kapag tumama sa isang horizontal surface.
Iba ito sa ibang mollies dahil mayroon itong pulse-type damage. Mayroon itong apat na pulse, na tumatagal nang apat na segundo. Sapat na ang tatlong pulse ng FRAG/MENT para makapatay ng kalabang agent.
FLASH/DRIVE
Ang FLASH/DRIVE ay isang blinding ability na katulad sa ibang throwable flashes sa laro. Mayroon itong dalawang charge at pwedeng ibato sa dalawang paraan.
Kapag ginamit ang left-click, mas malayo at mas mahaba ang fuse nito nang mga dalawang segundo. Kapag right-click naman, malalaglag ito nang mas malapit at may isang segundong fuse.
ZERO/POINT
Ito ang main ability ni KAY/O, at mayroon siyang libreng charge nito sa simula ng round. Automatic itong nagre-replenish, tulad sa main abilities ng ibang agents.
Gumagana ang ZERO/POINT bilang tinatapon na suppression blade na dumidikit at sumasabog. Malalaman niya ang agents na sakop ng malaking blast radius nito, ngunit ‘di mabubunyag ang kanilang lokasyon.
Ang mga tatamaang agent ay masu-suppress at ‘di makakagamit ng kanilang abilities sa loob ng walong segundo.
‘Di naaapektuhan ng suppression blade ang mga kakampi at hindi nito napapahinto ang na-activate nang abilities. ‘Di pwedeng ma-suppress ang isang ability sa pag-target nito. Kailangang matamaan ang kalabang agent para ma-suppress ang kanilang abilities, tulad ng Trapwires at Turrets.
Pwede namang matanggal ang Blade Storm ni Jett o Showstopper ni Raza gamit ang suppression blade.
NULL/CMD
Ino-overload ng NULL/CMD ultimate ang robot na agent gamit ang polarized radianite energy na nagpu-pulse nang apat na beses nang may malaking radius. Ang mga kalaban na tatamaan ng pulse ay masu-suppress sa loob ng apat na segundo bawat pulse.
Nagkakaroon din si KAY/O ng fire rate boost kapag active ang NULL/CMD. Pwede rin siyang i-restabilize kapag napatumba.
Mayroong 15 segundo ang kanyang mga kakampi para i-revive siya kapag siya’y nasa downed state. Kapag nasa downed state, mayroon siyang 850 HP at pwede ma-eliminate ng kalaban kapag naubos na lahat ‘yon.
Dahil dito, pwede nang maka-revive si Jett. Salamat, Riot Games.
Ang strenghts ng pagkakaroon ng versatile abilities
Ang pinakamabisang paggamit kay KAY/O ay ang pagpigil sa mga site rush. Ang mga kalaban na tinamaan ng ZERO/POINT ay ‘di makakagamit ng kanilang entry abilities kapag umatake ng site.
Mabibigyan ka rin ng mainam na kalaaman kung anong mga bahagi ng mapa ang bukas sa pamamagitan ng dami ng agents na na-reveal ng suppression blade.
Si KAY/O ay isang viable alternative sa isang duelist dahil may pareho siyang abilities sa kanila. Armado ng dalawang flash at isang molly, ang robot na ito ay kayang matulungan ang kanyang mga kakampi na pumasok sa sites at mag-clear ng corners kapag nasa attackers side.
Ikinumpara pa nga ni Hiko ang NULL/CMD ultimate sa Run It Back ultimate ni Phoenix bilang ideyal na entry ability dahil mayroon siyang extra life kung mare-revive siya ng kanyang mga kakampi.
Paano naman maglaro laban kay KAY/O?
Simple lang, kailangan mong mag-rely sa iyong shooting mechanics at team communication para makontra si KAY/O. Ang pinakamabisang paraan para mahuli ang agent ay sugurin siya kapag gagamitin na niya ang kanyang abilities.
May tatlong key visual indicators kapag gagamitin na ng suppressing robot ang kanyang abilities. Ang mga kulay sa katawan niya ay nagbabago kapag gagamit na siya ng ability. Light blue para sa molly, red para sa flash at purple naman para sa suppression knife.
Makikita rin sa screen sa kanyang ulo ang corresponding abilities na naka-equip sa kanya.
Broken ba si KAY/O?
Ang pag-counter sa kalabang koponan sa pamamagitan ng pag-silence sa kanila ay isang innovative content na pupuwersahin ang players na mag-isip at maglaro nang kakaiba.
Mula sa nalikom namin, si KAY/O ay isang agent na viable at versatile sa halos lahat ng mapa dahil pwede siyang laruin sa maraming roles.
Para sa players na gustong gawin siyang main agent, kailangan niyo munang i-master ang kanyang abilities at mag-effort na basahin din ang mga kalaban.
Para sa Valorant news, guides, at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Salin ito ng katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.