Matapos makuha ni Shota “SugarZ3ro” Watanabe ang final kill laban si Cauan “cauaunzin” Pereira para malagay ang Zeta Division sa playoffs sa Masters Reykjavik 2022, nagkagulo na.
Tilang nabaliw na ang mga Japanese Valorant casters matapos maging makasaysayan ang panalo ng Zeta Division bilang kauna-unahang Japanese Valorant team na makapasok sa playoffs sa isang international Valorant LAN event.
Hindi mo na nga kailangan maintindihan ang lenggwahe nila para ma-hype. Nakakahawa ang kanilang mga enerhiya – Japanese Valorant ang the best na rehiyon at ngayon ang lahat ay isang Zeta fan na.
Naging 10 times mas masaya ang bawat clip dahil sa mga Japanese Valorant casters
Sa elimination match laban ang Ninjas in Pyjamas ng Brazil, 13-12 na ang score sa Fracture, pabor kina Koji “Laz” Ushida at sa kaniyang team. Isa pang round na lang ang kailangan para makakuha sila ng pwesto sa playoffs.
Mabilisang nakakuha ng kills si Laz para maiwanan ang kaniyang team sa isang 4v2 situation laban ang NIP. Mabilisan namang binawian ito ng Brazilian team sa dalawa pang kills, ngunit nagkaroon ng perpektong cross-fire sina SugarZ3ro at Tomoaki “crow” Maruoka para isara ang round at ang mapa.
Sa desk naman, nagdiwang ang mga casters sa pamamagitan ng pagsigaw. Halatang tuwang-tuwa sila sa laro, at mas mahal namin sila dahil dito.
Sa isang post-match interview kasama si Laz, halata ang katuwaan ng mga casters. Ang kanilang mga ngiti ay naramdaman, at mahirap na hindi mahawa sa kanila.
Ayon sa isang rough translation sa Reddit, nagpasalamat ang mga casters kay Laz dahil sa kaniyang sipag at binati nila ito. “When you guys were down 9-12, we still believed and even in overtime everyone believed,” sabi nila, at dahil diyan ay naluha si Laz.
Nagpakita ng isang kahanga-hangang katatagan ang Zeta Division sa Fracture, matapos makabawi sa 8-12 na score para makuha ang mapa, 14-12 sa isang overtime. Matapos ang isang malabong opening match na kung saan tinalo sila ng DRX, sa wakas ay nahanap na rin nila ang kanilang footing sa international stage.
Ngunit ang pinakamalaking pagsubok ay hindi pa dumarating. Lalaruin ng Zeta ang kanilang next match laban ang G2 Esports. Maari mong tignan ang full match schedule dito.