Ang isa sa mga pinakapopular na skin collections sa Valorant ay nagbabalik.
Ang original na Ion skin bundle ay ni-release noong November 2020, at nanatili itong paborito ng marami.
Dahil malinis itong tignan, swabe, at futuristic na appeal, iba talaga ang dating ng skin an ito, At ngayon ay ipapakilala ng Riot games ang ang Ion 2.0 skin bundle, ayon sa ValorLeaks.
Ang bagong collection ay katatampukan ng mga skins para sa mga bagong weapons, kabilang na ang Vandal, Ares, Spectre, Frenzy, at melee.
Ang Ion 2.0 skin ang hudyat ng pagbabalik ng isang paborito
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbalik ang Riot ng isang bundle na may mga bagong weapons. Noong August, naglabas ang developer ng ikalawang Reaver collection, tampok ang ilan sa mga epic finishers sa game.
Ang Ion 2.0 ay may kasamang karambit knife, isang pagkakaiba mula sa bladed gauntlet ng dating bundle. Magkakaroon din ito ng mga variants, bagay na wala sa naunang bersyon nito.
Gayunpaman, wala pang detalye kung anong color variants ang magiging available, o kung anong ihahain ng Riot bilang mga custom finishers.
Ang skin line ay inaasahang bumagsak sa October 18, kasabay ng Episode 5 Act III. Bilang isang premium bundle, ito ay magkakahalagang 7,100 VP sa in-game store.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.