Hindi na mahalaga kung gaano ka kahusay – mapapa-sabunot ka talaga ng sarili mo dahil sa Valorant ranked. At hindi na natutuwa si 100 Thieves content creator at dating pro na si Spencer “Hiko” Martin.
Kahit ang mga players tulad ni Tyson “TenZ” Ngo ay nagreklamo na sa estado ng ranked noon pa.
Ngayon binatikos na rin ni Hiko ang kasalukuyang ranked experience, lalo na’t dinagdag ang Ascendant rank.
Binatikos ni Hiko ang estado ng Valorant rank
“I think ranked is probably in the worst state it’s ever been,” sinabi niya sa isang stream. “As far as the quality of the games are concerned.”
Kakapanalo lamang ng 32-year-old ang kaniyang huling two games, ngunit natalo sa anim na games bago noon, ayon sa tracker.gg. “A lot of people are quitting because they get to Immortal or Radiant, and then they get annoyed that ranked is so bad,” he added.
“Every Act, you always think that it can never be as bad as it was last Act, and then somehow it’s worse.”
Ang iba naman ay mawawalan na ng pakielam pagdating nila sa Radiant, sabi ni Hiko. “They don’t care about pushing their leaderboard rank and they just hop on the server,” sabi niya. “So games just feel super bad.”
Ang pagdagdag ng Ascendant sa pagitan ng Diamond at Immortal ay nagpalobo rin ng lower ranks. Ang mga players na nasa Silver ay nasa Gold na, pero hindi naman sila humusay. “They develop an ego because they think they’re Gold, even though they’re actually Silver,” sabi niya.
Para matulungan ma-improve ang overall ranked experience, naglabas ang Riot Games ng bagong panukat para malabanan ang in-game toxicity sa patch 5.06. Hindi lahat ng offense ay makakatanggap ng ban, at mas sinusundan ng developer ang “name and shame” na ruta.
Ang panibagong “disruptive gameplay” indicator ay makikita sa huli ng game screen at mababasa ang mga players na na-flag dahil sa kanilang disruptive gameplay behavior.
Ngunit kinilala ni Hiko na walang easy fix para sa mga isyu na hinaharap niya. Iminungkahi siya ng ibang fans na mag-implemento ng isang active rank decay system sa mga higher ranks, para manatiling engaed ang mga players at mahikayat ang regular play.