Opisyal nang sumali sa Valorant Protocol ang bagong agent na si Harbor.
Sa bagong trailer na inilabas ng Riot Games, tumalsik mula sa sinasakyan niyang motorsiklo si Harbor, na sinagip naman ng walang iba kung ‘di si Brimstone.
May voiceover si harbor sa trailer, na tila isang action-comedy sequence. Walang pakundangan at nakakatawa si Varun Batra, nag-uumapaw sa karisma at angas kahit na hinahabol siya ng isang pulutong ng mga REALM operatives.
Mukhang kayang sumalag ng bala ng wall ni Harbor
Tulad ng ipinakita sa trailer, ang water-bending abilities ni harbor ay nagmula sa isang artifact na pinaghahanap ngayong ng REALM. Habang nasa isang misyon sa Mumbai, India upang kunin ang nasabing artifact kasama si Captain Greaves, hindi sinasadyang kumapit ito sa kanyang pupulsuhan, na nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magmanipula ng tubig.
Binalingan siya ni Greaves na gustong kunin sa kanya ang artifact. Nang hindi ibigay ni Batra ang bracelet, pinaputukan siya ni Greaves, ngunit ang mga bala ay hinarang ng isang pader ng tubig na pumoprotekta kay Batra.
Nasagot sa trailer ang mga misteryong bumabalot sa pagkatao ni Batra. Hindi siya isang magnanakaw o kontrabida, at hindi niya tinangkang patayin si Greaves. Sa halip ay ang kapitan ang naghahabol sa artifact para sa sarili niyang agenda.
Masusulyapan din natin si Batra na nakabalot sa isang bula, na humaharang din ng bala. Hindi pa malinaw kung anong magiging itsura nito in-game, ngunit tila may dalawang paraan si Batra upang salagin ang mga nagpapaputok sa kanya.
May mga interesanteng posibilidad din na makikita sa mga bulang ito, lalo na kung kaya ni Harbor na protektahan ang kanyang mga teammates gamit ang mga ito.
Sa eksena kung saan naghahabulan sila sa kalsada, nagpakawala si Batra ng guhit ng tubig mula sa kanyang bracelet, na naging isang solid wall na pinagsalpakan ng mga humahabol sa kanya. Maaaring ang wall na ito ay tulad ng Toxic Screen ni Viper, ang pinagkaiba nga lang ay hindi pwedeng tumagos ang mga bala at mga players dito.
May isang still shot din kung saan pinapakita ang isang higanteng alon na parang humahabol sa mga kalaban. Hindi pa rin malinaw ang gamit ng ability na ito, ngunit maaaring isa itong stalling ability na nagpapabagal o nagdi-disrupt sa galaw ng kalaban.
Sa huling freeze frame ay makikita si Batra na may naka-charge na disc-like device habang nasa tubigan naman ang mga kalaban niya. Maaaring ito ang kanyang ultimate ability, pero sa puntong ito ay wala pa talagang nakakaalam kung anong nagagawa nito.
Hindi na kelangang maghintay nang matagal. Darating na si Harbor sa susunod na linggo sa Valorant Episode 5 Act III.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.