Bilang unang controller na nadagdag sa game matapos ang mahigit isang taon, matagal nang hinihintay ng marami ang pagdating ng bagong Valorant agent na si Harbor.
Habang dinidisenyo siya, naisip ng Valorant team na makagawa ng isang controller agent na pwedeng maging pamalit kay Viper. Gusto nila ng controller na hindi kinakailangang “mapunta sa ibang daigdig” o yung kailangang tumingin pa sa mapa para lang mag-deploy ng smokes, gaya nina Astra, Omen, at Brimstone.
“We wanted to create an agent that could compete with Viper on the maps where she is almost exclusively played,” sabi ni Alexander Mistakidis, Designer sa Valorant.
Dinisenyo si Harbor para maging agresibo
Ngunit sa kabila ng pagkakapareho ni harbor kay Viper bilang isang wall controller, naghahatid pa rin siya ng mga bagong timpla dahil sa kanyang kakaibang abilities.
“Players can be a little more creative in terms of how they shape the battlefield,” sabi ni Mistakidis sa bagong developer Twitch stream. “They can do that mid-round and execute off-the-cuff plays.”
Halimbawa, pwedeng i-kurba ang High Tide, na nagbibigay sa players ng control sa mga anggulo na hinaharangan ng wall. Gayunpaman, kinailangan ng team na mag-eksperimento pagdating sa kung gaano dapat ka-bendable ang High Tide.
“We had a few bugs allowing super bendy walls,” kwento ni Mistakidis. “People would make walls that looked like scribbles on a page or loop-the-loops. Mirror matches with two Harbors in playtest got a little messy.”
Sa kabila nito, nilikha si Harbor para maging isa sa mga agresibong controllers sa game. “Harbor is similar to Viper in that they both have wall smokes, but is on the other end of the spectrum,” sabi ni Mistakidis. “He can somewhat help with defense, but he’s really good at taking ground, being more aggressive, and spending his resources to get you to move forward as a team.”
Sa isang charge lang ng Cascade at Cove, wala ring masyadong magagawa na si Harbor kapag tumulong na siyang mag-set up ng execute, at ganyan siya dinisenyo. Sa kabilang banda naman, si Viper naman ay kayang mag-abang sa pwesto at laruin ang kanyang mga abilities, na gumagamit ng refillable na gauge.
Bagama’t viable dapat si Harbor sa mga parehong maps tulad ng Breeze at Icebox gaya ni Viper, ang timing at bilis ng pag-execute ay magiging iba.
Available na si Harbor sa Episode 5 Act III.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.