Tagumpay ang top-ranked squad ng Pacific na DRX laban sa Cloud9 sa score na 2-1 sa ikalimang araw ng VCT LOCK//IN.
Matapos mkaranas ng pagkadurog sa score na 13-3 sa Pearl, ang unang map ng C9, ang Korean squad ay sumagot pabalik na may 13-7 win sa pangalawang map na Haven. Sa huling map ng match na Icebox, ginulat ng Korean powerhouse squad ang kanilang mga kalabang North American nang gumamit sila ng Harbor.
Winasak ng APAC squad ang C9, pinatalsik sa tournament ang NA squad na may 13-2 score. Ang mga star players na sina Kim “Stax” Gu-Taek sa kanyang Harbor at Byung-chul “Buzz” Yu na gumamit ng Jett ay nakakuha ng pinagsamang kills na 33.
Matapos ipakita ang kanilang lakas, ipinaliwanag ng DRX kung bakit naniniwala sila na ang controller agent ay isa sa mga best agents sa frozen battleground ng Valorant.
Harbor pick ng DRX nagdomina laban sa Cloud9 sa VCT LOCK//IN
Sa post-game press conference, ipinaliwanag ni Stax kung bakit ang controller agent ang ipinagamit sa kanya ng team sa halip na Sage sa Icebox.
“We thought Sage would be a classic pick for Icebox,” sabi ni Stax. “However, coming into Brazil, we thought teams that relied on being more creative would have a huge edge over the other teams.”
Malakas na agent si Sage sa Icebox, kung kaya’t may 100% pick rate ang sentinel sa map na ‘to sa VCT LOCK//IN. Sa panahon ng pagsulat nito, tanging ang Japanese squad na DetonatioN FocusMe lamang ang hindi nag-pick ng Sage sa Icebox sa event.
Ang Barrier Orb wall ng Sentinel Agent ay isang utility na ginagamit ng karamihan sa mga koponan upang harangan ang mga daanan sa Icebox bilang depensa. Epektibo rin ang wall ni Sage para sa pag -secure ng spike plant sa B site. Gayunpaman, ang coach ng Korea team na si Seon-ho “termi” Pyeon ay naniniwala na sapat na dahilan ang mga abilities ng Indian controller agent upang gawin siyang pamalit kay Sage.
“In terms of the double controller meta, I don’t really think Harbor is a controller,” sabi ni termi sa post-game press conference. “We would like to think of him as more of a hybrid agent, and I think he offers a lot on Icebox.”
Ang controller main ng team na si Kim “Mako” Myeong-Kwan ay nagpaliwanag din sa kanyang post-match interview kung bakit sumugal sila sa paggamit ng Indian controller agent, ang unang pagkakataon na napili ang agent sa Icebox sa international Valorant stage.
“We picked him because we’ve been struggling a lot on the map since Valorant Champions 2022 in Istanbul,” sabi ni MaKo. “In order to make our Icebox stronger, we tried a lot of different comps, and Harbor worked well for us.”
Ibinahagi rin ng sentinel-duelist flex player ng Korean squad na si Byung-chul “Buzz” Yu na ang pagpapares ng Jett at Harbor ay isa sa kanilang mga susi sa tagumpay laban sa C9.
“I definitely think Harbor made it tricker for the opponent,” sabi ni BuZz. “That’s why it boosted my performance on the Jett on Icebox. In terms of percentage, I would give him about 45% of all the credit for our win on Icebox.”
Sa huling round ng match, ginamit ng DRX ang wall smoikes nina Harbor at Viper upang makakuha ng fights na pabor sa kanila laban sa Cloud9. Dahil dito ay nakakuha si Buzz ng mabibilis na pickoffs habang dinedepensahan ang A site.
Sinabi rin ni Coach termi na posibleng gayahin o kontrahin ng kanilang mga susunod na makakalaban ang kanilang diskarte. Gayunpaman, naniniwala siyang mas lamang pa rin sila dahil alam nila ang mga pros at cons ng bawat agent, kabilang na ang controller agent.
“We don’t think it is going to give us a hard time in the coming matches,” sabi ni Termi.
Ganito rin ang nasa isip ni Stax, na nagsasabing ang kanilang double controller strategy sa Icebox ay hahantong sa paggaya ng ibang teams sa kanilang agent comps.
“If things work out very really well and things continue to go this way, we really think Harbor will be a good pick for Icebox and it will lead the pack in terms of the meta,” sabi ni Stax.
Susunod na makakaharap ng DRX sa VCT LOCK//IN ay ang LOUD. Ang match ay nakatakdang ganapin sa March 3, 1:00 a.m. GMT+8.
Mapapanood ng mga fans ang mga matches nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Riot Games.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.