Si Gekko, ang pinakabagong agent sa Valorant, ay nakatanggap lang ng kanyang unang set ng mga balance nerf sa Valorant patch 6.06.

Nagpatupad ang Riot Games ng mga pagbabago sa agent abilities para kay Gekko, na nagreresulta sa pagbawas ng damage na nagagawa ng kanyang Mosh Pit molly sa mga abilities ng kalaban.

Bukod pa rito, ang mga players na umaasa sa Wingman agent ability ng initiator ay kailangang gumawa ng adjustment ngayong hindi na niya kayang ma-clutch ang round nang mag-isa.

Sa kabila ng maliliit na pagbabago, ang mga nerf ay malamang na magkaroon ng malaking epekto sa clutch potential ng initiator agent.

Gekko tinamaan ng kanyang unang set ng nerf sa Valorant patch 6.06

Mosh pit

  • Damage sa mga objects ay nabawasan mula 2.5 na ngayon ay 1.
Gekko Ability Mosh Pit
Credit: Riot Games

Ayon sa community manager ng Valorant na si Jo-Ellen “Riot JoEllenPDF” Argon, ang Mosh Pit ability ni Gekko ay may hindi consistent na performance kumpara sa iba pang mga initiator abilities.

Ang mga pagbabago sa Mosh Pit ability ay nagresulta sa pagbawas ng damage nito sa mga objects, na may makabuluhang implikasyon para sa isang partikular na clutch situation – ang ability ay hindi na maaaring tanggalin ang Lockdown ultimate ni Killjoy nang mag-isa.

Dati, ang iba pang mga abilities tulad ng Aftershock ni Breach at FRAG/ment ni KAY/O ay may kakayahan ding mag-one-shot sa isang Lockdown ng kalaban. Gayunpaman, balanse ang mga kakayahan na ‘yon kaya hindi nila madaling maalis ang ultimate ni Killjoy.

Kailangang mangolekta ni Killjoy ng walong ultimate points para ma-unlock ang kanyang Lockdown ultimate. Samakatuwid, para masira ito ng non-ultimate ability ng isa pang agent ay itinuturing na hindi balanse. Nangangahulugan na kakailanganin ni Gekko na pagsamahin ang kanyang Mosh Pit sa isa pang piraso ng utility ng ibang agent upang alisin ang space-controlling ultimate ni Killjoy.

Wingman

  • Mamamatay si Wingman pag siya na lamang ang natitira.
Gekko Ability Wingman
Credit: Riot Games

Ang pangalawang makabuluhang pagbabago ay tumama kay Wingman, ang ability ni Gekko na naghahanap ng mga kaaway na agents na maaari niyang tamaan. Gayunpaman, karamihan sa mga players ay gumagamit ng Wingman upang itanim at i-defuse ang spike.

Sa kasamaang-palad para sa Gekko mains, dahil hindi na matitirang buhay si Wingman, ang creature na ito ay hindi na makakapag-clutch ng mga rounds sa mga huling-segundong pagtatangka sa pag-defuse.

Maaari mong basahin ang buong patch notes dito.