Tumabi ka muna, Skye. May bago nang beastmaster sa Valorant.
Mula sa mga lansangan ng Los Angeles, sumali si Gekko sa roster ng Valorant bilang ika-anim na initiator agent ng game. Makiktia sa kanya ang isang makulay na disenyo at personalidad na talaga namang katugma ng kanyang mga abilities.
Bilang pinuno ng kanyang maliit na grupo ng mga mapaminsalang nilalang, maaari niyang suriin ang mapa at tapusin ang kanyang mga kaaway sa battlefield.
Ang mga abilities ni Valorant agent 22 ay maaaring mag-flash, mag-stun, at pumigil ng mga kalaban. Mayroon din siyang granada at scout na maaaring magtanim at mag-defuse ng spike para sa kanyang team.
Karamihan sa kanyang mga abilities ay reclaimable din, na nangangahulugan na maaari niyang gamitin muli ang mga ito pagkatapos ng maikling cooldown pagkatapos niyang pulutin ang mga ito.
Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol kay Gekko.
Mga kailangan mong malaman tungkol sa agent abilities ni Gekko
Dizzy (E) – Signature ability
I-equip si Dizzy, ang lumulutang na asul na creature. Bumaril upang ipadala si Dizzy na pasulong sa ere. Susugod si Dizzy at magpapakawala ng plasma blast sa mga kaaway na kanyang nakikita. Mabubulag ang mga kalaban na tatamaan ng kanyang plasma.
Kapag nag-expire si Dizzy, bumabalik siya sa pagiging isang dormant globule. Maaaring mag-interact si Gekko sa globule at makakuha ng isa pang Dizzy charge pagkatapos ng maikling cooldown.
Wingman (Q)
I-equip si Wingman, ang yellow scout. Bumaril upang ipadala si Wingman pasulong upang maghanap ng mga kaaway sa mapa. Magpapakawala si Wingman ng isang concussive blast patungo sa unang kalaban na makikita niya. Ang mga players ay maaaring gumamit ng alt fire at i-target ang isang spike site o isang nakatanim na spike upang utusan si Wingman na itanim o i-defuse ang spike.
Upang magtanim, dapat ay mayroon si Gekko ng spike sa kanyang inventory. Kapag nag-expire si Wingman, babalik siya sa pagiging isang dormant globule. Pulutin ito upang mabawi ang globule at makakuha ng isa pang charge ng Wingman ability pagkatapos ng maikling cooldown.
Mosh Pit (E)
I-equip si Mosh, ang hugis bola na berdeng critter. Bumaril para ihagis si Mosh na parang granada. Gumamit ng alt fire para ihagis si Mosh nang underhanded. Sa paglapag nito, nagdi-duplicate si Mosh sa isang malaking lugar, at pagkatapos ng maikling delay ay sasabog ito.
Thrash (X) ultimate
I-equip si Thash, ang halimaw na parang pating. Bumaril upang iugnay ang isip ni Thrash at ipadala siya papunta sa mag kalaban. I-activate ang ability upang mag-lunge pasulong at sumabog. Ang mga kalaban na nahuli sa maliit na radius ng pagsabog ay makukulong.
Kapag nag-expire si Thrash, babalik siya sa pagiging isang dormant globule. Pulutn ito para mabawi si Thrash at makakuha ng isa pang ultimate charge pagkatapos ng maikling cooldown. Isang beses lang siya pwed ma-reclaim.
Magiging available na laruin si Gekko sa Marso 8, 2:00 a.m. GMT+8 sa paglapag ng Episode 6 Act 2.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.