Walang umasa na magiging ganoon ang mangyayari sa rematch sa pagitan ng XSET at FunPlus Phoenix sa Valorant Champions 2022.
Habang nanalo pa ang FunPlus Phoenix sa kanilang 2-1 victory, kinailangan pa nilang ipaglaban ito nang dalawang beses. Isang Killjoy Turret bug ay nagpawalang-bisa sa initial na panalo ng FunPlus Phoenix at nag-pwersa ng replay sa isang final round sa Ascent – at sa isang sandali, nagmukhang magkakaroon ng ibang kinalabasan ang serye.
2 a.m. na natapos ang match sa Istanbul, Turkey. Tatlong additional rounds ng overtime ay nilaro pa, matapos maipanalo ng XSET ang replay.
Mataas ang tensyon at mga emosiyon sa panig ng FunPlus Phoenix. Sa isang post-match press conference, kinlaro ng FunPlus Phoenix n-game leader na si Kyrylo “ANGE1” Karasov ang kaniyang iniisip – nakakasama ang pag-replay ng rounds sa integridad ng laro.
FunPlus Phoenix ANGE1: ‘We were all super angry’
Sa Round 24, bumaril ang Killjoy Turret ng XSET sa maling direksiyon, at dahil dito, hinold ni Rory “dephh” Jackson ang A Heaven imbis na tumingin sa direksiyon kung saan nanggagaling ang FPX.
“I think there are a lot of bugs in any game. There are a lot of things happening in every match,” sabi ni ANGE1. “It is not the best idea to replay rounds, especially after the match, because then teams will question all the bugs that have happened in the history of Valorant.”
“Should the round be replayed or not? That’s why I was really angry about it.”
Dagdag pa diyan, ang oras na lumipas pagitan ng pagtapos ng match at ng replay ay nangahulugan na nagkaroon ang mga teams para I-review ang gameplay footage o magsagawa ng mga strategy discussions, ngunit kinumpirma na ni coach Don “Syyko” Muir na hindi sila nagkaroon ng oportunidad para gawin ito.
“I don’t think the round should have been replayed just because of the Turret bug,” dagdag ni FPX IGL. “It’s not our fault, we shouldn’t be involved in this.”
“I think it’s obvious for everyone watching that this bug is not something that big. From my point of view, it also ruins the competitive integrity of the game. With two hours between the games, they could have rewatched the match and figured out what we were doing.”
Dahil nakasalalay ang buhay ng kanilang tournament standings sa lower bracket, maiintindihan din kung bakit hindi natuwa ang FPX sa desisyon ng Riot na I-replay ang round. “We were all super angry,” sabi ni ANGE1. “This anger gave us energy.”
Pinagusapan rin ni Coach Erick “d00mbr0s” Sandgren kung paano sila nahirapan makabalik sa tamang state of mind dahil akala nila tapos na ang match.
“When you win a game, you let all your emotions out and your energy level goes down,” sabi niya. “To have to go back and get into the right mode again, especially in that crucial moment on the third map, is a really, really hard thing to do.”
Kailangan na mag-rematch ng FPX sa DRX sa September 17, 1:00 a.m. GMT +8 | September 13, 10:00 a.m. PT | September 13, 5:00 p.m. GMT.
Maaring panoorin ang match nang live sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.