Nagsimula na ang Valorant Champions Tour (VCT) 2023 roster changes kahit pa hindi pa naaanunsyo ng Riot Games ang mga koponang napili para sa franchising upang maging isa sa partnered teams.
Inilagay ng Fnatic si James “Mistic” Orfila sa bench, na nagbukas ng isang spot sa European roster. Nangyari ang desisyon matapos ang 5th-6th place exit ng koponan sa Valorant Champions 2022 kung saan sinipa sila ng South Korean squad na DRX.
“Whether or not my journey continues at Fnatic, I am either way super proud of what we were able to produce over the past few years,” wika ni Mistic sa isang tweet. “Not only am I thankful to representing one of the best Valorant teams in the world, but I am also thankful for the friends and family I have met with it.”
Naghahanap na ngayon si Mistic ng partnered team sa EMEA
Isa si Mistic sa mga beteranong miyembro ng koponan at parte ng SUMN FC roster na umangat sa ranks sa European scene. Nagtapos sila sa 2nd place sa likod ng Heretics sa First Strike Eruope bago tuluyang kuhanin ng Fnatic sa simula ng VCT 2021 season.
Gumawa ng malalaking pagbabago ang Fnatic sa roster nila noong nakaraang taon, nakipaghiwala sila kila Martin “Magnum” Peňkov and Domagoj “Doma” Fancev. Sa kabila ng mga ito, nanatili sina Mistic, Jake “Boaster” Howlett at coach Jacob “mini” Harris sa VCT 2022 season.
Mula noong idagdag ang Turkish prodigy na si Emir Ali “Alfajer” Beder, lumitaw na team to beat ang Fnatic sa EMEA region, kasama ang FunPlus Phoenix. Nga lamang, lagi silang kinakapos sa international stage nang hindi magkakapantay ang performance at hindi naabot ang kanilang potensyal.
Ngayong pinayagan siya ng Fnatic na i-explore ang kanyang options papasok sa 2023, naghahanap na Mistic ng irerepresentang VCT partnered organization sa EMEA.
“For my future, I am looking to continue to put in hard work,” ani ng 20-year-old pro. “I’m not stopping anytime soon. Trophies are what’s on my mind and no matter what challenges arise, I’ll tackle them with all I got.”
Isa ang Fnatic sa mga koponan na naka-secure ng spot sa EMEA league. Sa paparating na VCT 2023 season, susubukan ng mga partnered organizations na itaguyod ang posibleng pinakamalakas na roster bago ang kickoff tournament sa Brazil sa Pebrero.
At dahil ang ilan sa pinakamalalaking organisasyon ay na-deny sa VCT 2023 partnership, isang surplus ng top-tier free agents ang inaasahang papasok sa merkado.
Para sa iba pang balita tungkol sa esports at gaming, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng katha ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: Yay ipinaliwanag kung bakit malabong manatiling magkakasama ang OpTic para sa VCT 2023