Isang mabangis na initiator ang bagong Valorant initiator na si Fade, at maaring guluhin niya ang Valorant meta sa mga interesadong paraan. Ang kaniyang kakaibang klase ng initiation ay maglalagay sa kaniya nang papalapit sa aksyon.
Dinisenyo ng Riot Games si Fade para maging katunggali ni Sova, para maghatid ng mas personal na lebel sa recon. Para maiba siya sa mga initiators, sinigurado ng mga developer na wala siyang utility para mag-pilot tulad ng Owl Drone ni Sova o ng Trailblazer ni Skye.
Sa kaniyang core, ginawa si Fade para maging isang information-gathering agent na hindi masiyadong umaasa sa lineups, kaya hindi mo na kailangan manghula para malaro siya nang maayos. Ang mas maikling range ng kaniyang mga recon abilities ay hinahayaang gamitin siya nang mas agresibo ng mga players para tumakbo sa mga sites agad matapos itapon ang kaniyang utility.
Si Fade ang isang bagong Valorant initiator na naka-pokus sa panghuli ng kalaban
Ang codename ni Fade, Bounty Hunter, ay maraming sinasabi tungkol sa kaniyang kit at abilities.
“Seize was the sort of gotcha moment to us where you’ve cornered the prey and want to ensure they can’t escape,” sabi ni Nicholas Smith, Designer sa Valorant.
Ang Seize ability ng Turkish agent ay humugot ng inspirasyon sa ultimate ni Camille sa League of Legends. Kayang tumakbo ni Camille dahil sa kaniyang Hextech Ultimatum patungo sa isang target champion para ma-anchor sila sa lugar na iyon. Katulad niyan, ang Seize ay isang orb na nagtatali at makakapag-decay ng mga kabalan na nahuli sa radius nito.
“I think it can be used in a multitude of ways, but producing a trail, and seeing where the enemy has run and then capturing them is the dream play,” dadag ni Smith.
Kadalasang nauugnay ang mga bounty hunters sa mga hayop na kasama, ayon sa Valorant designer, at dito nanggaling si Prowler. Si Prowler ay isang hayop na lumalakbay sa isang tuwid na daan, naghahanap ng mga kalaban na kakapitan
“Since we had trails as a key component of the character, we needed a piece of utility that could clear angles for you with some safety, as trails in themselves don’t threaten an opponent holding an angle,” paliwanag niya.
Sinilang si Prowler sa isang ideya na mayroon kang isang hunter partner na ipapaalam sa’yo kung anong anggulo ang ligtas, para masundan mo ang landas at makakuha ng kills.
Di tulad ni Sova, ang recon abilities ni Fade ay mas localized, ibig sabihin wala siyang map-wide impact. Mahusay siya sa paghuli ng mga quarries niya sa mga masisikip na lugar, kaya isa siya sa mga pinaka-agresibong initiators sa laro.
Imbis na naka-pokus lamang siya sa pagkuha ng impormasyon, na-pu-push ng kaniyang kit ang mga kalaban sa kaniyang mga debuffs na tumutulong sa team niya sa mga bakbakan.
Habang hindi pa klaro kung sapat na siyang initiator sa isang team, asahan mong may pwesto na siya kaagad sa isang double initiator compositions na sumasakop sa pro meta.