Inanunsyo ng DRX ang pagpirma sa kanila ni Jung “Foxy9” Jae-sung, na mas nagpapalakas sa kanilang roster na may sixth man bago pa magsimula ang VCT 2023 season.

Ayon sa VCT roster rules, ang mga partnered teams ay kailangang magkaroon ng hindi bababa sa anim na players.

Ang dagdag na tao sa kanilang roster ay dumating isang araw bago ang October 15 roster lock, kugn saan ang mga teams ay kailangang magsumite ng preliminary roster sa Riot Games.

Ang binatilyong South Korean ay naglaro para sa HolyMolly sa kanyang mga nakaraang matches. Gayunpaman, mas nakilala siya sa panahong naglaro siya sa Japanese team na REIGNITE, na lumaban sa VCT Japan Stage 1 at 2.

May roster na ang DRX para sa VCT 2023

Ang 17-anyos ay maglalaro para sa DRX sa Pacific league sa susunod na taon, bilang bahagi ng isang roster na kinikilala bilang pinakamahusay sa Korea.

Layunin ng organisasyon na panatilihin ang pagiging dominante laban sa ibang mga Asia-Pacific teams, kabilang na ang ibang mga higante sa rehiyon na Zeta Division at Paper Rex. Kabilang din sila sa mga pinaka-consistent na mga teams sa international stage sa taong ito, na madalas na nakakalabas sa mgagroup stage at malayo ang nararating sa playoffs.



Sa kahabaan ng kanyang career, madalas na gumagamit si Foxy9 ng Jett, na paminsan-minsa’y nagfe-flex din siya sa mga agents tulad ng Sage, Breach, at Chamber sa mga nakaraang taon.

DRX Valorant roster

  • Kim “stax” Gu-taek
  • Goo “Rb” Sang-min
  • Kim “Zest” Gi-seok
  • Yu “BuZz” Byung-chul
  • Kim “MaKo” Myeong-kwan
  • Jung “Foxy9” Jae-sung

Ang South Korean powerhouse ang tanging Pacific league organization maliban sa RRQ na nag-anunsyo ng pagpirma ng bagong player.

Hindi pa malinaw kung paano gagamitin ng team ang kanilang sixth man. Ang squad ay meron nang Jett main na si BuZz, ang main duelist ng team sa Valorant Champions 2022, habang nagpakita rin si Rb ng kakayahang mag-flex sa agent na ito.

Ang squad ay magkakaroon ng VCT 2023 debut sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.