Papasok ang DRX sa VCT Game Changers circuit sa pagpirma sa kanila ng kanilang kauna-unahang female player.

Naging dominante ang powerhouse organization hindi lang sa Korea, kung hindi pati na rin sa pandaigdigang Valorant. Unti-unti ring nabubuo ang team upang maging isa sa mga pinakamalakas sa sampung teams ng Pacific league sa susunod na taon, dahil sa kanilang matagumpay at eksperyensadong roster.

Ang kanilang pagpasok sa Game Changers ay nagsisimula sa kanilang pagkuha sa Japanese player na si dori, na huling naglaro bilang bahagi ng roster ng TZ Gaming sa Japan.

DRX bumubuo ng Game Changers roster

VCT Game Changers DRX dori
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Kumpara sa North America, Europe, o maging sa Asia Pacific region at Japan, hindi masyadong aktibo ang Game Changers scene sa Korea.

Ang nakaraang Game Changers Korea ay meron lamang apat na teams na sumali. Kung ikukumpara, ang Japan ay nagkaroon ng 16 teams sa open qualifiers noong July upang maglaban-laban para sa dalawang slots sa Game Changers East Asia tournament.

Nagbabalak ang Riot Games na mas palakihin pa ang kanialng Game Changers league sa 2023 sa pagpasok ng mas maraming bansa at mga rehiyon. Ngayong taon ay magkakaroon din ang kauna-unahang Game Changers Championship, isang global tournament na gaganapin sa Berlin, Germany.

Walo sa mga pinakamahuhusay na Game Changers team mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ang magtatagisan ng husay laban sa isa’t isa sa isang LAN setting.

Ang world championship ay inaasahang magpapatuloy sa susunod na taon, at nagbigay ng hudyat ang Riot na nais nilang magpatuloy sa pag-invest at pag-develop ng scene.

Anf DRX naman ay patuloy na palalawakin ang kanilang pagdomina sa pagpasok ng Game Changers, bilang suporta sa ecosystem ng Valorant sa lahat nang aspeto ng kompetisyon.

Hindi pa malinaw kung sinu-sino pa ang kukunin ng Korean organization upang kumpletuhin ang kanilang female roster.

May ibang mga organisasyon din na nagpakita ng interes sa pagpasok sa Game Changers nitong mga nakaraang buwan. Ang kanilang kapwa Pacific league team na Zeta Division ay nag-set up ng female roster noong June, bagama’t ang team ay lumaban lamang sa dalawang matches.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.