Tuluyan nang naputol ang 5th-6th place curse ng DRX matapos ang kanilang kahanga-hangang 2-1 na panalo laban sa Fnatic sa Valorant Champions 2022.
Ang kanilang panalo sa Fnatic ang unang beses na nanalo sila sa isang elimination match sa isang LAN event ngayong taon.
Parehas ang nangyari sa Korean powerhouse noong Masters Reykjavik at Masters Copenhagenl sila ay nagtapos sa lower bracket quarterfinals.
Desidido si Kim “stax” Gu-taek ng DRX na mas malayo ang marating nila matapos maging in-game leader ng team niya para sa Champions.
“As long as I’m calling the shots, there’s no way we are going to stay in 5th to 6th,” sabi niya. “I’m going to shoulder the whole responsibility and try to bring my team as far as possible.”
Pinutol ng DRX ang kanilang LAN curse sa isang comeback laban sa Fnatic
Unang natambakan ang DRX sa malakas na simula ng Fnatic sa Icebox. Naging mahusay ang performance ni Nikita “Derke” Sirmitev gamit si Chamber at nagtapos ng may 31/10/0 KDA at 408 Average Combat Score (ACS) na nagbigay sa Fnatic ng isang 13-7 na panalo sa kanilang map pick.
Sa umpisa ng pangalawang map, Ascent, nagsimula ang DRX nang lugi muli. Nagkaroon ng 8-4 lead ang Fnatic sa unang kalahati ng laro at pinigilan ang kanilang mga kalaban na maka-selyo ng mga key parts ng mapa at mahusay nilang na-retake ang mga sites sa kanilang apat na spike defuses.
Ngunit naitaob ang momentum na pabor sa DRX sa Round 21, matapos makulangan ng oras ang Fnatic na ma-plant ang spike. Sa 20 segundo na natira sa round, nakapasok ang Killjoy ni Emir Ali “Alfajer” Beder, ang KAY/O ni James “Mistic” Orfila at Fade ni Enzo “Enzo” Mestari sa B site matapos dumaan sa Mid Market.
Sa kasamaang palad, hindi na-clear ng Fnatic ang back site ng B kung saan naghihintay si stax. Sinubukan I-plant ni Enzo ang spike habang cinover siya ni Alfajer. Ngunit sa isang flashback mulas a Copenhagen kung saan walang tiwala si Jake “Boaster” Howlett sa kaniyang teammate at hindi na-defuse ang spike, pinakawalan niya ito noong nag-peek si stax, at nakuha ng DRX ang round na iyon.
Sa susunod na round, naka-pull off ng isang 1v2 clutch si Kim “MaKo” Myeong-kwan na naibura ang round lead ng Fnatic.
Sa kabila ng pag-hold nina Mistic at Enzo ng site, napitas pa rin sila ni MaKo. Nakuha niya si Enzo sa iasng wall bang kill at sinundan si Mistic.
Natapos ang Ascent sa isang overtime, at nanalo ang DRX 14-12. Napunta sa Fracture ang serye, kung saan nagpalit ng kanilang mga roles ang DRX at nilagay si Yu “BuZz” Byung-chul kay Chamber at si Goo “Rb” Sang-min kay Neon.
Naging sulit ang switch na ‘to, dahil nakakuha ng combined 40 frags at 11 first kills sina Rb at BuZz sa huling mapa ng serye.
Habang na-tie ang scoreline sa 6-6 sa unang kalahati ng match, nakuha ng DRX ang pabor sa attacking side at nakasungkit ng 7 rounds laban sa 3 rounds ng Fnatic.
Nakatakda ang isang rematch laban sa DRX at FunPlus Phoenix sa September 17, 1:00 a.m. GMT +8 | September 13, 10:00 a.m. PT | September 13, 5:00 p.m. GMT. Mapapanood nang live ang match sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.