Inukit na ng Riot Games mismo sa laro ang isa sa mga ‘di malilimutang sandali noong Valorant Champions 2022 gamit ang bagong Easter egg sa Fracture.

Sa group stage opener ng OpTic Gaming kontra BOOM Esports, nagtagpo ang dalawa sa deciding map na Fracture, kung saan nagawa ni Austin “crashies” Roberts ang isa sa best ace sa kasaysayan ng Valorant history.

Sinusubukan noon ng BOOM na mag-rotate nang sumakay sa zipline ang lahat ng miyembro nila. Lingid sa kanilang kaalaman ay nag-aabang sa kabilang dulo si crashies na isa-isang pinindot ang kanilang ulo galit ang Vandal.



Saglit lang at naubos ang lahat ng miyembro ng BOOM. Disaster man para sa kanila, pero nakatutuwa pa rin para sa mga manonood. ‘Di na siguro ito mauulit sa competitive stage, kaya naman nag-alay na ang Riot sa naturang play sa mismong mapa kung saan ito nangyari.


Saan mahahanap ang crashies Easter egg sa Fracture

Credit: Riot Games

Ang Easter egg sa Fracture ay isang email message na makikita sa may defender spawn. Maaaring makipag-interact dito tuwing Buy Phase.

Patungkol ang liham sa pagkamatay ng limang Everette-Linde personnel — isang reference sa mga player ng BOOM.

“After a recent tragedy resulting in the fatality of five of our Everett-Linde personnel, we are taking a moment to remind everyone that ziplines are for single riders only,” sulat ng email. “Your safety is our top priority, but in order to ensure it, safety regulations must be adhered to.”

May bagong Easter egg sa Fracture para i-immortalize ang ace ni crashies
Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Pareho ang bagong Easter egg sa Fracture sa kung paano alalahanin ang iconic plays sa Counter-Strike: Global Offensive (CS:GO). Halimbawa na lang ang isang sign sa Overpass na nagsasabing “Don’t climb over the railing!” — isang saludo kay Olof “olofmeister” Kajbjer at sa kanyang kontrobersyal na boost spot na nakatulong sa Fnatic para maka-come back kontra LDLC.

May graffiti rin ng AWP na may pakpak at apat na bungo sa B site ng Mirage. Inaalala nito ang jumping 4K ni marcelo “coldzera” David sa may apartment ng naturang mapa.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Ipinaliwanag ng Valorant dev kung bakit hindi dapat nagfo-forfeit sa ranked