Marahil isa na ang Cloud9 sa mga nanalo sa Valorant off-season.

Pormal na inanunsyo ng North American organization ang kanilang Valorant roster para sa 2023 season, at totoo nga ang usap-usapan tungkol sa pagbuo ng nakakatakot na super team.

Nakuha ng C9 ang OpTic Gaming superstar na si Jaccob “yay” Whiteaker at dating Sentinels at Version1 player na si Jordan “Zellsis” Montemurro, isang powerhouse duo na magbibigay ng napakalakas na firepower upgrade sa team.

Sila ang papalit kina Mitch “mitch” Semago at Rahul “curry” Nemani, na binitawan ng team nitong buwan.

Makakasama ng dalawa ang mga players na sina Anthony “vanity” Malaspina, Nathan “leaf” Orf, and Erick “Xeppaa” Bach.

Cloud9 mukhang handa nang magdomina sa 2023

yay Cloud9
Credit: Cloud9

Ang pinakamalaking tanong sa Americas league ay kung saan mapupunta si yay. Ang dating OpTic star ay kasalukuyang itinuturing na pinakamahusay at pinaka-consistent na Valorant player sa buong mundo, na nangunguna sa karamihan ng statistics sa international stage.

Sa pagpirma ni yay, nakuha na ng C9 ang pinakamalaking premyo ng season. Malamang ay gagampanan niya pa rin ang parehong role bilang Chamber main ng C9, habang si leaf ay mananatili bilang main duelist ng team.

Subalit magtatanong pa rin ang mga fans kung kaya bang tapatan ng kasalukuyang Cloud9 roster ang OpTic pagdating sa teamwoirk at chemistry.

Ang magandang balita ay dati nang magkasama sa Version 1 sina Zellsis at in-game elader na si vanity, na magkasamang naglaro sa unang international LAN na Masters Reykjavik 2021, habang ang trio nina vanity, leaf, at zeppaa ay magkakasama na mula pa noong August.

Cloud9 Valorant roster

  • Anthony “vanity” Malaspina
  • Erick “Xeppaa” Bach
  • Nathan “leaf” Orf
  • Jaccob “yay” Whiteaker
  • Jordan “Zellsis” Montemurro
  • Mateja “qpert” Mijovic

Si Mateja “qpert” Mijovic ang magiging sixth man ng team, na nagmula sa isang analyst role mula sa Team Liquid.

Ang team ay makakatanggap ng suporta mula sa isang coaching staff na may magandang na track record sa paghulma ng mga rosters upang maging isang matibay na unit. Si Matthew “mCe” Elmore ng The Guard ang kanilang bagong head coach – sa ilalim ng kanyang pamamalakad, nabuo ang The Guard mula sa pagiging hindi kilalang Tier 2 talent papunta sa pagiging kampeon ng VCT NA Stage 1 Challengers.

Magaganap ang international debut ng team sa February sa 30-man kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.