Sa wakas ay ginawa nang opisyal ng Cloud9 ang pagsama sa kanila nina Jake “jakee” Anderson at Dylan “runi” Cade para sa paparating na liga ng VCT Americas.
Ang dalawang players ay namataan sa VCT contract database bago pa man gumawa ng anunsyo ang organisasyon.
Cloud9 idinagdag sina runi at jakee sa roster
Ang organisasyon ay naghahanap upang punan ang dalawang pwesto na naiwan nang umalis sina Jaccob “yay” Whiteaker at Anthony “vanity” Malaspina.
Ginugol ni jakee ang mga nagdaang buwan ng 2023 sa paglalaro sa collegiate scene para sa University of St. Thomas. Kasama sa kanyang mga parangal ang pagtulong sa paaralan na maging kwalipikado para sa College Championship. Ito ang kanyang unang pagsabak sa pinakamataas na antas ng competitive Valorant.
Dati nang naglalaro si runi sa ilalim ng banner ng Soniqs. Pinuno niya ang tungkulin ng in-game leader para sa squad at inaasahang gagawin din ito para sa kanyang bagong koponan.
Ito ay magiging trial by fire para sa dalawang players dahil sa pressure na inilagay sa kanilang mga balikat. Ang pagpasok sa isang organisasyon na inaasahang lalaban upang mangibabaw sa liga, bilang karagdagan sa pagpuno sa mga naiwang tungkulin ng mga beteranong players tulad nina yay at vanity ay isang malaking bagay.
Sasabak ba sila sa hamon? Makikita natin ang sa poagsisimula ng laban sa April 3 kapag ang team ay humarap sa Evil Geniuses sa kanilang debut sa VCT Americas.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.