Matamis na tagumpay ang naranasan ni Matthew “mCe” Elmore, ang head coach ng Cloud9 Valorant nang bigyan ng kanyang koponan ang Paper Rex ng 2-0 na pagkatalo sa VCT Lock In sa Brazil. Hindi rin siya nagpapigil sa post-game press conference pagdating sa bagay na ‘yon, nakangiti siya nang sabihing “feels good to send [Paper Rex] home.”

Sinundan ni Jordan “Zellsis” Montemurro ang pahayag sa pamamagitan ng pagsasabing, “If you weren’t going to say it then I was.”

Kung hindi batid sa inyo, may kaunting kasaysayan sa likod ng mga katagang ito. Si mCe ay dating head coach ng The Guard sa kanilang pagbangon noong 2022 season. Sa unang malaking international LAN appearance ng kanyang nakaraang squad sa VCT Masters sa Iceland ay nilaglag sila ng Paper Rex. Kaya naman may shoutout tweet siya nang pauwiin ng kanyang bagong team ang Paper Rex.

Cloud9 mCe nakapaghiganti na

Cloud9 mCe tweet matapos talunin ang Paper Rex
Screenshot by Steven Cropley/ONE Esports

Hindi ang pagkatalo mismo ang naging dahilan ng pait na nararamdaman niya, kung hindi ang kawalan ng respeto ng Paper Rex matapos nilang manalo.

“Those guys were not very gracious winners behind the cameras after we got knocked out and I took the higher road on that and didn’t say what I wanted to say when I was fist bumping and up there with them,”sabi niya tungkol sa sa post-game meeting sa stage sa pagitan ng dalawang teams.

Kasama sa high road ang isang byahe papunta sa susunod na round kung saan ang Cloud9 ay haharap sa DRX, kung saan ang matatalo ay matutulad sa Paper Rex na manonood na lang ng mga natitirang kaganapan mula sa bahay. Ang DRX, na dating kilala bilang Vision Strikers, ay na-knock out sa Valorant Champions 2021 ng Cloud9 kung kaya’t magpapatuloy ang kwento!

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.