Pinasilip na ng Riot Games ang bagong ChronoVoid skin bundle, kung saan tampok ang futuristic weapons na tila hango sa ancient technology na iilan lang ang nakahawak.
Mula sa mga orbs na parang hindi apektado ng gravity hanggang sa finisher effects na lumalabas para hulihin ang kalaban at ipatapon kung saan, talaga namang out-of-this-world ang vibe ng Valorant skin bundle na ‘to.
Ayon kay Stefan Jevremovic, Art Lead ng Riot Games, nais daw nilang makagawa ng sci-fi weapon na may kakaibang experience—’yung maipaghahalo ang temang “technologically advanced” at “luxurious”.
Magic at science fiction, nagtagpo sa ChronoVoid skin bundle
Kumuha ang Riot Games ng inspirasyon mula sa kwento nina Daedalus at Minotaur’s Labyrinth para maitawid ang mensahe ng misteryo ang kapangyarihan, ayon kay Jevremovic. Intensyon daw nilang iparamdam sa mga player na forbidden treasure ang hawak nilang baril — isang agimat na nagtataglay ng kakaibang lakas.
Bagamat may pagkakapareho ang mga linya at umiilaw na core nito sa Ion bundle, bagong experience naman ang hatid ng animations ng ChronoVoid.
“We had a bit of a tough time when it came to animating the weapons because we were trying to do something new,” ani Victoria Kim, Producer. “The idea was to make each layer of the orb move independently.”
Tampok sa ChronoVoid ang Phantom at Vandal, bukod pa sa Sheriff at Judge. Bihira para sa isang skin bundle ang magtampok ng parehong rifle. Para sa melee, nariyan naman ang Terminus A Quo, na pinaka-unique na ata sa buong laro.
Sa una ay para lang siyang bolang lumulutang, pero nagiging patalim ‘pag nag-left click.
Ang skin ay meron ding custom inspect animations, visual at audio effects, at pati na rin sariling ADS reticle at bullets. Available ito sa tatlong variants na green, red, at black.
May mga cosmetics din na kasama ang ChronoVoid skin bundle, tulad ng spray, gun buddy, at player card.
8,700 VP ang halaga ng bundle at maaari na itong bilhin simula ika-21 ng Setyembre. Mapapanood ang buong reveal dito.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Brazil ang tanging bansa na may world championship sa Valorant, CS:GO, at R6