Nagsasagawa ng mga pagbabago ang Riot Games sa mga iilang agents ng Valorant, inanunsyo nito sa kanilang bagong State of the Agents blog post.
Pinangunahan ito ng panibagong round ng Chamber nerfs dahil patuloy niyang nilamangan ng Sentinel role kumpara sa ibang mga agents, kahit na dalawang beses na siyang nakatanggap ng nerfs.
“The results in competitive and watching Champions show there is still work to be done here,” sinulat ng developer.
Gusto rin labanan ng Riot ang usapang “masiyadong malakas” si Chamber at isang must-pick sa mas maraming mapa sa pro play. Sa Valorant Champions 2022, nanatili si Chamber bilang pinakasikat na agent sa kaniyang 68 percent pick rate, ngunit bumaba na ito mula sa 77 percent sa Masters Copenhagen.
Maaring maging mas klaro ang mga kahinaan ni Chamber sa isang trade-off sa ibang mga agents tulad nina Killjoy o Cypher.
Nerfs kay Chamber paparating na kasabay ng mga pagbabago kina Fade at Cypher
Ang epekto ni Chamber sa ecosystem ay negatibo ayon sa Riot, dahil tumataas ang kaniyang pick rate kasabay sa paggaling ng mga players sa laro.
“On the power front, we’ll nerf Chamber in ways that should make the drawbacks of picking him sharper, with the intention that our best players shouldn’t always gravitate toward Chamber,” sabi ng Riot.
Nagmukhang hindi pinansin ng mga pro players ang huling nerfs ni Chamber, matapos aminin ng OpTic Gaming star na si Jaccob “yay” Whiteaker na ang mga pagbabago sa kaniya ay hindi naman masiyadong nakaapekto sa kaniyang paglaro ng agent.
Mukhang mas marami pang parusa ang Riot para sa agent na ‘to. Sinabi ng developer na aaralan nila ang mga iilan pang adjustments na hindi nila tinuloy bago ang Champions, at may pokus ito sa pagbuo ng “meaningful counterplay options” para sa kaniyang mga Rendezvous teleporters.
Ang mga teleporters ni Chamber ang kasalukuyang best escape ability sa laro, talo pa ang Tailwind dash ni Jett. Nagbibigay ito ng halos instant na pagtakas sa kahit anong sitwasyon, at nangangahulugan ay mas mapapagastos ng mga utility ang mga teams para maitulak si Chamber papalayo.
Sinisiyasat din ng Riot ang mga pagbabago kina Fade at Cypher. Natalo na ng Turkish agent si Sova bilang initiator of choice sa Valorant Champions 2022. Nasa 54 percent pick rate siya ngayon, sunod lamang kay Chamber, habang si Sova ay nasa 31 percent.
“While we’re happy to see players have another choice in the role, we also think there are areas — like clearing spaces — where she’s potentially overperforming, so we’ll explore potential tunings to her utility,” sabi ng Riot.
Gusto rin tignan nang maigi ng developer si Cypher para malaman kung kailangan ng updates para mahanap ang kaniyang “proper spot” sa mga sentinel agents. Isa sa pinaka-least picked agents ang Morrocan sentinel na ito sa Champions sa 6 percent.
Masaya naman ang Riot sa resulta ng kanilang mga bagong buffs kay Phoenix. Tumaas ang kaniyang win rate sa ranked, at isa na sa pinakamalakas sa laro ang kaniyang flash.
Maari mong basahin ang full blog post dito.