Nagliyab muli ang pagiging competitive ng mga iilangg CS:GO veterans dahil sa VCT 2023 franchising.
Inanunsyo ni CS:GO extraordinaire na si Braxton “brax” Pierce ang kaniyang intensiyon magbalik sa pro Valorant, halos isang taon matapos siyang umalis sa T1 Valorant roster para ipagpatuloy ang kaniyang full-time streaming career.
Parte si Brax sa inaugural roster ng T1 noong 2020, kasabay ang mga kapwa niya iBUYPOWER players na sina Keven “AZK” Larivière at Tyler “Skadoodle” Latham. Sumali naman si Sam “DaZeD” Marine sa team sa taong iyon, matapos I-reshuffle ng T1 ang kanilang roster.
Ngunit ang roster na iyon ay hindi kinayang gayahin ang tagumpay na nakita nila sa CS:GO. Kilala bilang best team sa North America, pinasok nila ang Valorant nang may mataas na expectations.
Ngunit ang mga sunod-sunod na lackluster na performance ay nagresulta sa pagalis ng mga players, at ibang-iba na ang team pagdating ng 2021.
Gusto lumahok ni brax sa isang partnered team
“As I look forward to competing in franchising for Valorant, I wanted to put out the message that I’m open for talks as a free agent,” sabi ni brax sa Twitter. “I’m looking for existing Tier 1 teams or any on the fringe I may believe in. Can play any role and secondary IGL, specifically mid-game.”
Ang kaniyang dating teammate na si DaZeD ay nagpahayag din ng interes sa pag-compete muli, kahit na hindi na siya nakapaglaro sa isang opisyal na match simula noong April 2021.
Tinanggap niya na mukhang nakalaan na ang mga roster ng mga franchised teams, ngunit sinabi niya na bukas siya sa paglaro sa Tier 2 scene at tatrabahuhin niya ang isang promotion para sa Americas league.
“I’m looking to go through the Challengers process and get promoted,” sinabi niya sa kaniyang tweet. “I’m very confident I could take remaining free agents and compete at the highest levels.”
Si DaZeD ang in-game leader ng iBUYPOWER roster, at tinulungan niya ang team na ito sa mga iilang first-place finishes noong 2014. Apat na players sa team ang naging banned as lahat ng Valve-sponsored events noong 2015 dahil sa isang match-fixing scandal, kasama na sina brax at DaZed, at naiwan si Skadoodle bilang natitirang player na hindi na-banned.
Ang Valorant ang dapat naging redemption story ni brax noong 2020 noong sumali siya sa T1. Itinuring bilang isa sa mga brightest young talents sa North America ang 26-year-old na ito bago ang naging match-fixing na isyu.