Ang isang magaling na controller player sa Valorant ay kayang harangan ang vision ng kalaban at pigilan silang makakuha ng impormasyon sa mga mahahalagang punto ng labanan.
Upang maging isang mahusay na controller para sa iyong koponan, kailangan mong matutuhan ang lahat nang mga pinakamabisang na lugar na maaaring harangan.
Sa Fracture, isang kumplikadong mapa na may maraming daanan at pasukan patungo sa bawat site, ang maayos na paggamit ng smoke ay may potensyal na pigilan ang pag-usad ng inyong kalaban at bigyan kayo ng mas maraming oras.
Nag-compile kami ng isang listahan ng mga pinakaepektibong na smoke locations sa Fracture para sa mga players na bago sa controller agent role.
Ang mga pinakaepektibong Valorant smokes sa Fracture para sa mga baguhan sa controller role
Para sa mga players na bago pa lang sa role ng controller, inirerekumenda namin ang pagpili kay Omen, Astra, o Brimstone sa Fracture dahil ang mga agents na ito ay madaling maipwesto ang kanilang mga smoke sa anumang bahagi ng mapa.
Sina Omen at Astra ay may advantage na maglagay ng smoke mula sa malayong distansya. Gayunpaman, si Brimstone ang pinakamahusay na controlle na gamitin sa mapa dahil ang kanyang triple smoke ay perpekto para sa mga kalkuladong esecutes.
Sina Viper at Harbor ay mga malakas din na pick sa mapa, ngunit ang kanilang mga abilities ay mangangailangan ng piling line-up.
Attackers
A site push
Kung ang inyong koponan ay nagpaplanong gumawa ng five-man push mula sa A Main, mas maganda na i-smoke off ang A Ropes, A Link, at A Drop.
Ito ay maghihiwalay sa mga taga-depensa na nasa loob na ng site at sa kanilang mga kasamahan na nagro-rotate mula sa B. Ngunit tandaan na tanging si Brimstone lamang ang kayang mag-smoke ng sabay-sabay.
Kung kayo ay gumagamit ng Omen o Astra, mas mabuti para sa inyong koponan na gumawa ng split push mula sa A Main at A Drop. Sa pamamagitan ng pagkontrol ng A Drop, kailangan ninyong i-smoke off lamang ang A Link at A Ropes.
B site push
Kung nais ng inyong koponan na kunin ang kontrol ng B site, kailangan ninyong pumunta sa mga hagdan patungo sa site.
Kapag na-secure na ang posisyon, maaari ninyong i-smoke off ang B Generator at B Canteen – ang dalawang posisyon na nagbibigay ng mabuting cover at direktang line-of-sight sa B site.
Sa pag-push mula sa B Arcade, maaari ninyong i-smoke off ang B Tower upang kunin ang kontrol ng lugar. Kapag na-secure na, kayo at ang inyong mga kasama ay maaaring mag-contest sa B Generator at B Canteen upang pasukin ang B site.
Defenders
A site
Ang mga defenders ay dapat mag-ingat kapag naglalagay ng mga smoke dahil maaaring abangan ito ng mga attackers.
Kung ang inyong mga kalaban ay nag-commit na umatake sa A site, kailangan ninyong i-smoke off ang A Drop at A Main. Ang pag-deny sa kanilang paningin sa site ay magtatago ng defensive position ng inyong koponan.
A Hall
Kung nais ninyong hadlangan ang kontrol sa A Main ng kalaban, maaari ninyong i-smoke off ang dulo ng hall kung saan pumapasok ang mga attackers.
Ito ay maaaring magdulot ng paggamit ng mga recon abilities tulad ng Trailblazer ni Skye o Prowler ni Fade upang malinawan ang kabilang bahagi ng usok.
B site
Sa mga attackers na nagtutulak papunta sa B site, madali lang gamitin ang smoke. Maaring balutin ng smoke ang tuktok ng hagdanan sa B Main upang hadlangan ang kanilang paningin.
Maaring manatili sa likod ng dalawang crates sa B site at harapin ang mga attackers na tatakbo sa loob ng smoke. Sa mga attackers na dadaan sa smoke, maaaring i-isolate ang maramihang aim duels at hadlangan ang kanilang pagpasok sa site.
Maaring nagbabarilan na ang dalawang koponan sa simula ng round kung pareho silang nagpasyang mag-push mula sa B Main at B Tree. Kung kulang sa tao ang mga controllers sa spot na ito, maaring ibagsak ang smoke sa pagitan ng mga metal covers upang hadlangan ang impormasyon sa mapa ng kalaban.
B Arcade
Ang maingat na ipinatong na smoke sa ultimate orb sa B Arcade ay maaaring hadlangan ang mga kalabang attackers dahil maaring sila’y matamaan mula sa iba’t ibang posisyon kung sila’y papasok sa lugar na iyon nang hindi ginagamit ang kanilang mga recon abilities.
Mahalagang tandaan na bagamat ang mga smoke ay maaaring hadlangan ang paningin ng mga kalaban, ang isang bihasang manlalaro ay maaaring gamitin ang abilities ng kanilang agents upang malinawan ang mga posisyon. Maaari nilang i-reveal ang iyong lokasyon, kahit na nasa loob o labas ka ng smoke. Subukang panatilihing nanghuhula ang iyong mga kalaban at magpalit ng posisyon sa bawat round.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.