Maaaring kailangan mo pa ring sanayin ang paglalaro sa pinakabagong mapa ng Valorant na Pearl kahit pa ikaw ay isang bihasang manlalaro na.
Dahil sa dami ng pasikot-sikot na pasilyo sa Mid na patungo sa parehong spike sites, lahat ng corners sa mapa ay pwedeng may kalaban na nag-aabang ng posibleng rotation ng iyong koponan. Dagdag pa rito, ang parehong site ay may malakas na vantage points na kailangang maging pamilyar sa attackers at defenders kung gusto nilang makuha ang kalamangan.
Kaya naman ang pagkuha ng saktong controller agent na kayang harangan ang ilang partkular na lokasyon sa mapa ay napakahalaga para sa isang koponan na target manalo sa Pearl.
Mula sa limang pagpipilian, narito ang best controller agent para sa Pearl upang mas maging handa ka sa susunod mong match.
Si Viper ang best controller agent sa Pearl
Bilang isang controller, maraming kayang i-offer si Viper sa anumang agent composition sa Pearl. Kaya niyang mag-block ng maraming sightline gamit ang kanyang Toxic Screen wall. Bukod pa dito, isa siyang hybrid agent na kayang pumigil ng mga rush sa pamamagitan ng dalawa niyang Snake Bite mollies, tulad na lang ng isang sentinel.
Ang American chemist ang tanging controller na kayang harangan ang parehong A Link at A Flowers gamit ang isang itulity lang, ang kanyang Toxic Screen. Ang Poison Cloud naman niya ay pwedeng magamit para i-smoke ang A Secret kapag nagpu-push sa A site.
Parehong ideya ang pwedeng gamitin sa B site push. Kaya niyang hatiin sa dalawa ang site sa pamamagitan ng pag-cast ng kanyang Toxic Screen wall mula sa B Ramp patungong B Site. Haharangan nito ang B Tower, B Link, at isang side ng B Hall. Pwede naman niyang harangan ng Poison Cloud smoke ang kabilang side ng B Hall.
Ang abilidad niya na i-cut off ang maraming sightline ang dahilan kaya siya ang swak na controller agent sa Pearl. Gayunpaman, ang isang kahinaan niya ay nasa kanyang Toxic Screen at Poison Cloud, na nakakapag-drain agad ng kanyang fuel drain kapag sabay na ginamit. Ang pinakamabisang paraan para ma-maximize ang abilities niya ay ipares siya sa isa pang controller, na magde-deny ng vision sa kalaban sa buong mapa.
Ang kanyang ultimate naman na Viper’s Pit ay isa sa pinakamagandang ultimate sa Pearl. Partikular itong epektibo sa pag-deny ng kontrol sa Mid na maraming lusutan patungo sa mga site.
Para sa Valorant news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Base ito sa akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: Valorant dev ipinaliwanag kung paano dapat gamitin si Harbor