Kinontrata na ng Indian organisasyon na Global Esports ang dating XSET player na si Jordan “AYRIN” He, ayon kay George Geddes ng Dot Esports.  

Naging parte ng XSET roster si AYRIN na nanalo sa VCT NA Stage 2 Challengers at nagtapos ng sixth sa Valorant Champions 2022. Sa Istanbul, tinalo nila ang EMEA giants na Fnatic at FunPlus Phoenix, isang malaking tagumpay para sa isang roster na pumalpak sa Copenhagen sa kanilang international debut.  

Habang ginusto man manatili ng roster, hindi nabuo ang kanilang tahanan na G2 Esports matapos umatras nang last minute ang organisasyon sa kanilang pwesto sa Americas league matapos ang isyu tungkol sa kanilang CEO na si Carlos “ocelote” Rodriguez at Andrew Tate. 

Sa ngayo’y pagtuklas ng mga panibagong oportunidad ng mga players at coaches, nagmumukhang ba-byahe sa kabilang dako ng mundo si AYRIN para maglaro sa isang franchised organization sa Pacific league sa VCT 2023 season. 

Sasali sa Global Esports si AYRIN sa Pacific league 

Valorant AYRIN VCT 2022
Credit: Riot Games

Habang wala pang opisyal na anunsyo ang nilabas, parehas na si AYRIN at GE ang halos kinumpirma na ang pag-pirma niya sa kanilang mga pagtutukso sa Twitter. 

Kinumpirma ng organisasyon ang pagdagdag ng isang import player, habang nag-post si AYRIN ng napakahalatang emoji ng eroplano at ang South Korean flag – isang pahiwatig sa Seoul, ang host city ng Pacific league.  

Pinayagan ang mga franchised teams na kumuha ng isang import player lamang sa labas ng kanilang rehiyon, at pupunuin ito ni AYRIN para sa GE. Kailangan mag-sumite ng initial roster ang mga teams sa Riot Games sa October 15, at kailangan mayroon itong hindi bababa sa anim na nakontratang players.  

Ang Canadian player ang una mula sa North America na lilipat sa Asia-Pacific region. Habang nakatanggap ang OpTic Gaming star na si Jaccob “yay” Whiteaker ng iasng US$1 million offer para maglaro sa isang APAC team, mukhang hindi niya tatanggapin ito dahil mukhang sasali siya sa Cloud9. 

Ang GE ang natatanging Indian representative sa Pacific league. Nanalo ang organisasyon sa Skyesports Champions Series noong June, ngunit hindi sila nakapag-qualify para sa kahit anong international events ngayong taon.  

Habang may direktang daan ang India sa mga international events sa pamamagitan ng APAC Challengers series, laging silang nakukulungan laban sa ibang APAC squads.  

Ang pagsali ni AYRIN ay maaring makatulong sa competitiveness ng team dahil sa kaniyang mga karanasaan sa international stage at North America.  

Hindi lamang ang 26-year-old ang imported talent sa roster ng GE. Noong April, pumirma sa organisasyon ang dating DAMWON Gaming coach na si Hong “Eraser” Chang-pyo. 

Global Esports Valorant roster 

  • Jordan “AYRIN” He 
  • Ganesh “SkRossi” Gangadhar 
  • Abhirup “Lightningfast” Choudhury 
  • Pranav “Kohliii” Kohli 
  • Bhavin “HellrangeR” Kotwani 
  • Akshay “KappA” Sinkar 
  • Jayanth “skillZ” Ramesh 

Plano ng team na kumuha ng total na 10 players sa 2023. “The goal is to find a way to help Indian talent compete at the highest level and prove their skills, even if it takes a few seasons to get there,” sabi ng Global Esports founder at CEO na si Rushindra Sinha. 

Haharapin ng GE ang mga teams mula sa Japan, Korea, at Southeast Asia sa regular season ng 2023. 

Maaring asahan ng mga fans ang 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil. 