Noong September 2022, 0.03 percent ng player base lamang ang mga Radiant players para irepresenta ang pinakamataas na antas ng Valorant ranked distribution.
Para sa mga players na nasa mas mababang rank, isang mataas na ambisyon ang Radiant na rank, at maaring ilang buwan pa na grind ang kailangan gawin para makakita ng mga improvements at makaangat dito.
Ngunit gaano katagal ba dapat ito bago makamit? Kung nagumpisa ka sa Diamond, anim na buwan ang itatagal mo para makarating sa Radiant, ayon kay Peter “Asuna” Mazuryk ng 100 Thieves.
Sinabi ito ni Asuna base sa kaniyang sariling karanasan sa pagkamit ng ESEA Rank G sa CS:GO.
Ibinunyag ni Asuna ang pinakamahirap na challenge sa pagdating sa Radiant rank
Ngunit ang six-month time frame na ito ay naka-base sa isang 300 games na nilaro sa isang buwan – isang mabigat na time commitment na ang mga pinaka-dedikadong players lamang ang nagagawa.
Ngunit ang pinakamalaking pagsubok ay darating bago mo pa makamit ang Radiant.
“The only wall I hit gaming in CS and Valorant that took me a month to get out of is when I started playing with actual good players or pros,” sabi ni Asuna sa isang stream.
“That’s like Immortal 3 [in Valorant.] You’re going to notice that the gap is just so much bigger than you imagined. It’s going to take a second to comprehend what you’re supposed to be doing individually to get better.”
Ang paglabas ng bagong Ascendant rank sa Episode 5 Act I ay nangangahulugang magiging mas mahirap na makarating sa Immortal at Radiant. Bago pa lamang dinagdag ang Ascendant, 1.4 percent ang mga Immortal at Radiant ranked players, kumpara sa 1 percent na lamang ngayon.
Nakalahati rin ang proportion ng Immortal 3 players, naging 0.1 percent mula sa dating 0.2 percent.
Para malaman pa kung paano kina-calculate ang mga MMR gains sa Valorant, maari mong basahin ang aming explainer dito.