Inanunsyo na ng Talon Esports ang kanilang Valorant roster para sa Pacific league sa 2023, at ilan sa mga miyembro nito ay kilala na natin.
Ang all-Thai roster ay pinangungunahan ng Overwatch star na si Patiphan “Patiphan” Chaiwong, na nagbabalik sa Valorant matapos ang maikling panahong paglalaro sa Overwatch League team na Los Angeles Gladiators. Ang 19-anyos ay nakilala sa Valorant Champions 2021 bilang isa sa mga rising stars ng laro, bago siya mag-retire upang maglaro ng Overwatch.
Muli niyang makakasama ang mag dating teammates na sina Thanamethk “Crws” Mahatthananuyut, Panyawat “sushiboys” Subsiriroj, at Itthirit “foxz” Ngamsaard, mga dating miyembro X10 Esports roster na itinuring na isa sa mga pinakamahusay sa Asia-Pacific region.
Talon Esports kinuha ang mga dating XERXIA players
Ang XERXIA trio ay wala sa The Esports Club Challenger Series 9 tournament.
Ayon sa Talon CEO na si Sean Zhang, ang organisasyon ay umaasa sa isang eksperiyensadong grupo ng mga players na may chemistry at sanay na sa isa’t isa.
At sakto ang mga katangiang ito sa bagong roster ng Talon. Sina Crws, Sushiboys, at foxz ay magkakasama nang naglalaro mula pa noong December 2020, na kinalaunan ay naging top two team sa rehiyon.
Gayunpaman, ang Talon ay nagnanais ding sumubok sa mga talentong hindi pa nila napapatunayan. Si Apiwat “garnetS” Apiraksukuma ay sasali mula sa X10 Esports, habang si Jittana “JitBoyS” Nokngam naman ay huling naglaro para sa FW Esports.
Talon Esports Valorant roster
- Thanamethk “Crws” Mahatthananuyut
- Panyawat “Sushiboys” Subsiriroj
- Itthirit “foxz” Ngamsaard
- Patiphan “Patiphan” Chaiwong
- Apiwat “garnetS” Apiraksukumal
- Jittana “JitBoyS” Nokngam
Ang lahat nang mga mata ay nakatutok sa batang prodigy na si Patiphan. Ang kanyang biglaang pag-alis matapos ang Valorant Champions noong nakaraang taon ay naganap sa kalagitnaan ng kaniyang pagsikat bilang isang player, at umaasa ang mga fans na siya ang magdala sa Thai roster upang harapin ang mga teams gaya ng Paper Rex at DRX.
Ang team ay magkakaroon ng international debut sa February sa 30-team kickoff tournament sa Sao Paulo, Brazil.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.