Papasok ang Sentinels sa VCT 2023 season na may bagong porma, ngunit may isang mahalagang bagay na hindi nagbabago.

Ang star player na si Tyson “TenZ” Ngo, ang mukha ng team at isa sa mga poster boys ng Valorant, ay mananatili sa team.

Noong una ay hindi sigurado kung makakasama ba sa bagong roster si TenZ, dahil sa nagdaang taon kung saan hindi naging maganda ang performance ng team at hindi nagawang patunayan ng kanilang star ang mga bagay na inaasahan mula sa kanya.

Bagama’t marami ang mabilis na isinisi ang pangit na performance ng team sa kakulangan ng practice at masyadong pagtutok sa streaming, mariin itong itinanggi ng 21-anyos na star player, ayon sa bagong coach na si Don “Syyko” Muir.

Sa isang panayam ni Wyatt River, sinabi ng dating XSET coach na ang star ng team ay mas gigil nang manalo at handing gawin ang kahit ano upang maisakatuparan ito.

Syyko ipinaliwanag kung anong ambag ni TenZ sa Sentinels

TenZ Sentinels Champions 2021
Credit: Riot Games

Sa kabila ng mga resulta nitong nagdaang taon, ang mechanical talent ni TenZ pa rin ang kanyang pinakamagandang asset, sabi ni Syyko. “He’s demonstrated in the past that he has the mechanics when it comes to clicking on heads,” sabi niya. “His reaction times are insane.”

Mas mahirap ang magturo ng mataas na lebel ng tutok kaysa sa paghusayin ang kanilang communication o magbigay ng inspirasyon upang sila ay magtagumpay, paliwanag niya.

“If we can harness this stud of firepower and inspire him to want to come in every day and do his best and give the most for his teammates, and also surround him with people who are working hard every day, we may be able to get him back to where he was or even push him further,” dagdag pa niya.

Gayunpaman, kinailngan munang makumbinsi si Syyko. Kung titignan mula sa labas, ang una niyang pag-aalala ay ang inakala niyang kakulangan ng drive ni TenZ. Ngunit matapos niyang makausap si TenZ, nakahinga siya nang maluwag.

Dumeretso na sa punto ang Sentinels star bago pa man ito banggitin ni Syyko. “He said, ‘Look, I know there’s this public perception of me that I don’t want to work hard or compete, and that I just want to be a streamer,’” kwento ni Syyko. “I just want you to know that is false. I want to win and I want to compete.”



Kasabay nito, inihayag din ni TenZ na hindi siya naging masaya sa naging takbo ng dating Sentinels roster, particular sa sistema at mga nangyayari sa kapaligiran.

Siniguro niya kay Syyko na kung mapapaligiran siya ng mga tao na gustong magtagumpay, ibibigay niya ang lahat nang kanyang makakaya upang maging isang player na maaasahan at kailangan ng team.

“I walked away from that conversation feeling confident that he meant what he was saying and confident in my ability as a coach to develop this player and drive him,” sabi ni Syyko.

Maaaring makuha an ni TenZ ang kanyang hiling. Ang bagong Sentinels ay malayo mula sa dati nitong roster. Bagama’t mananatili si Hunter “SicK” Mims bilang kanilang sixth man, ang core ng roster ay binubuo ng mga batang talent na gutom sa tagumpay na kinabibilangan nina Zachary “zekken” Patrone, at world champions na sina Gustavo “Sacy” Rossi at Bryan “pANcada” Luna.

Mas pinatibay rin ang coaching staff sa pagpasok ng dating Ghost gaming coach na si Adam “Kaplan” Kaplan at iba pang assistant coaches na hindi pa inaanunsyo.

Sina Sykko at Kaplan ay kilala sa kanilang matagumpay na pag-aalaga at pagpapalabas ng potensyal ng mga bagong talent. At sa kalibre ng maga players na kabilang sa roster, mapanganib ang Sentinels na makikita natin sa 2023.

Mapapanood ang buong interview dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.