Si Neon ay dinisenyo upang maging isang viable alternative kay Jett sa kanyang speedrunning at slides.

Ang kanyang signature ability, High Gear, ay nagbibigay sa kanya ng kakayahang tumakbo nang mas mabilis at mag-slide sa mga sulok, tulad sa Call of Duty. Ibig sabihin nito, mas mabilis na makakapag-rotate si Neon at maaring makasurpresa sa mga kalaban sa pamamagitan ng pagkuha ng espasyo at map control.

Mayroon ilang limitasyon pagdating sa mechanics – magagawa niya lamang ang pag-slide kapag ikaw ay naka-hold sa “W” key, kung kaya’t magagawa lamang ito nang paabante. Kung ikukumpara, si Jett ay may kakayahang mag-dash at makatakas sa kahit anong direksyon.

Gayunpaman, hindi kailangan balewalain ang kakayahan ni Neon sa kanyang agent ability kit. Mayroon siyang ilang mga bagong mechanics na kamakailan lamang natuklasan. Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon kami na gumawa ng isang Neon guide kung paano maisasagawa ang High Gear combat slide nang paatras at patagilid bilang isang mechanic na maaaring magamit upang makatakas sa mga delikadong sitwasyon.

Valorant Neon High Gear guide: Paatras, patagilid, at double slide

High Gear paatras

Medyo tricky ang paatras na slide o backward slide, at nangangailangan ng eksaktong timing para magawa ito.

Merong dalawang paraan para gawin ito. Habang tumatakbo, tumalon paabante, at pindutin ang “S” at right-click sa sandaling bago ka lumapag. Isa sa mga problema sa pagsubok ng paraan na ito ay ang pag-slide ng maaga, kaya nangangailangan ito ng tamang timing at ilang subok bago magawa nang tama.

Narito ang isang video guide mula sa YouTube user na si GloKaze:



Maari rin maisagawa ang pag-slide paatras nang hindi nangangailangan ng pagtalon, ngunit ito ay mahirap gawin lalo na’t sumasailalim ka sa pressure. Kakailanganin mong pindutin ang “S” at right-click bago mawala ang slide prompt, na sobrang hirap gawin.

High Gear patagilid

Neon guide High Gear
Credit: Riot Games

Ang slide na patagilid o sideway slide ay medyo kapareho ng jumping backslide, pero mas malaki ang window ng execution nito.

Kapag nasa High Gear, tumalon paabante at pindutin ang “A” o “D”, tapos right-click. Magi-slide ka sa direksyon na nais mo pag lapag mo mula sa pagtalon.

Hindi sya kasindali ng dash ni Jett, ngunit magiging kapakipakinabang ito para sa mga makakapag-master ng medyo komlipkadong mechanics ni Neon.

Hindi nakalabas ang baril ni Neon habang tumatakbo, kung kaya’t halos wala syang depensa. Ang mabilis na pagbabago ng direksyon ang maaring magdikta kung makakakuha ba kayo ng entry kill o mapipitasan ang inyong team, tulad nang pag nakaabang ang mga kalaban sa lalabasan mo.


Double High Gear



Kaya ring mag-double slide ng Filipino speedster upang mas malayo ang marating, kung naka-ready ang kanyang ultimate ability na Overdrive.

Tulad ng ipinakita sa video sa itaas ni REVEN Valorant, nagre-refresh ang kanyang slide pag na-activate ang kanyang ultimate, kung kaya’t pwedeng gamitin ang High Gear nang dlawang magkasunod na beses kung gagamitin ang Overdrive sa unang slide.

Ang mga sliding techniques na ito ay situational lamang, at hindi ito kailangan masterin upang magamit ng maayos si Neon. Isa pa rin syang agresibong duelist na simbilis ng lintik na bigla na lang lilitaw sa harap mo.

Para sa iba pang balita, guides, at updates tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.