Si Tyson “TenZ” Ngo ng Sentinels ay nakaranas ng mga paghihirap sa kalagitnaan ng regular season ng VCT Americas.
Bagama’t nakapagpamalas si TenZ ng magandang laro sa kanyang international league debut match kung saan kanilang tinalo ang 100 Thieves 2-1, hindi niya nagawang pantayan ang parehong antas ng tagumpay sa kanyang sumunod na dalawang series.
Matapos ang pagkatalo ng Sentinels sa NRG Esports, si TenZ ay nagsikap at lumaban sa Leviatán kahit na nagpositibo siya sa COVID-19 at naglalaro nang may sugat sa kanyang hintuturo. Bilang kahalili, si Jimmy “Marved” Nguyen ay naglaro sa kanyang unang laro sa Sentinels noong VCT Americas’ super week.
Sa gitna ng lahat nang ito, si TenZ ay kailangan ding harapin ang mga pangyayari sa labas ng game, dahil kasalukuyang nakikipaglaban ang kanyang fiancé na si Kyedae “Kyedae” Shymko sa cancer.
Sa pagho-host ng isang VCT Americas watch party kung saan lumaban ang Sentinels laban sa LOUD, ibinahagi ni TenZ ang mga personal na pakikipaglaban na kanyang kinakaharap at kung paano ito nakaaapekto sa kanyang mga huling laban.
Sentinels TenZ ipinaliwanag ang kanyang bumababang performance sa VCT Americas
Tanggap ng kampeon ng Masters Reykjavik 2021 na hindi maganda ang kanyang performance, at sinabi na hindi lang siya nakakapaglaro nang maayos nitong huli.
Nilinaw ni TenZ na hindi naman ang kanyang mga mechanical skills ang problema. Ayon sa kanya, nahirapan siya dahil sa mga nararanasan niyang mental lapses.
“I’ve never had this experience this bad in my life, but I feel like I’m constantly zoning out in anything I do, like really bad,” sabi niya.
Si TenZ ay kilala sa kanyang mahusay na kakayahan sa pagtutok, kung kaya’t napapanatili niya sa gitna ng kanyang crosshair ang kanyang mga target. Hindi rin siya nagkakaproblema sa pagtanda ng impormasyon habang nakikipag-usap sa kanyang mga teammates. Ngunit, inihayag niya sa kanyang stream na mas nahirapan na siyang magpanatili ng focus at may tendensiya siyang mag-zone out kapag nakakita ng kahit sino.
“It feels like my vision goes blurry, and I just end up full spraying no matter what,” sabi niya. “When I see someone, I full spray, and I don’t even compensate for the spray. I just pull down and don’t know how to explain it.”
Ayon kay Adam “kaplan” Kaplan, ang bagong head coach ng Sentinels, si TenZ ay magpapahinga ng isang linggo at hindi makakalahok sa kabuuan ng VCT Americas’ super week.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.