Sa wakas ay inanunsyo na ng Riot Games ang lahat ng Valorant partnered teams na bubuksan ang bagong era ng Valorant Champions Tour (VCT).
Ang mga napiling koponan ay magsasagupaan sa International Leagues sa susunod na taon sa tatlong rehiyon: Americas, EMEA at Pacific. Bawat rehiyon ay may 10 partnered teams para sa sumatotal na 30.
Ayon sa Riot Games, ang selection process ay talagang mahigpit. Kasama sa screening process para mapasali sa partnered teams ang written applications, in-depth interviews at financial reviews na tumagal nang ilang buwan.
Ang mga koponan ay magiging aprte ng pinakamalaking VCT international event sa susunod na taon kung saan maglalaban-laban sila sa kick-off event sa simula ng season na gaganapin sa Sao Paolo, Brazil.
Lahat ng 30 Valorant partnered teams na papasok sa VCT 2023 season
Americas
KOPONAN | REHIYON |
Sentinels | North America |
100 Thieves | North America |
Cloud9 | North America |
NRG | North America |
Evil Geniuses | North America |
FURIA | South America |
LOUD | South America |
MIBR | South America |
KRÜ Esports | South America |
Leviatán | South America |
EMEA
KOPONAN | REHIYON |
Fnatic | Europe (United Kingdom) |
Team Liquid | Europe (Netherlands) |
Team Vitality | Europe (France) |
Karmine Corp | Europe (France) |
Team Heretics | Europe (Spain) |
Giants | Europe (Spain) |
Natus Vincere | Europe (Ukraine) |
FUT Esports | Europe (Turkey) |
BBL Esports | Europe (Turkey) |
KOI | Europe (Spain) |
Pacific
KOPONAN | REHIYON |
Zeta Division | Japan |
Detonation Gaming | Japan |
Gen.G | Korea |
T1 | Korea |
DRX | Korea |
Team Secret | Southeast Asia (Philippines) |
Paper Rex | Southeast Asia (Singapore) |
Rex Regum Qeon | Southeast Asia (Philippines) |
Talon Esports | Southeast Asia |
Global Esports | Asia Pacific (India) |
Paano napili ang Valorant partnered teams
Ipinaliwanag sa opisyal na pahayag ng Riot Games kung paano binawasan ang bilang ng mga koponan na nag-apply para sa franchising. Malaki ang epekto ng tatlong factor na ito sa selection process:
- Mga organisasyon na ibinabahagi ang kanilang pagpapahalaga sa pagprayoridad sa fans, ipinagdiriwang ang diverse community ng Riot Games, at mga koponan na nakatuon sa pagsuporta sa mga pros.
- Mga organisasyon na gumagawa ng malakas na koneksyon sa fans sa pamamagitan ng nakakaengganyong content, nakakahimok na brand, at kapana-panabik na roster.
- Mga organisasyon na itinayo nang long-term, at may pokus sa sustainability.
Wala sa listahan ng partnered teams ang OpTic Gaming, isang organisasyon na nagkaroon ng isa sa pinaka-consisten na Valorant roster. Nakapasok sila sa top 3 ng bawat international LAN na nasalihan nila ngayong taon. Naipanalo nila ang Masters Reykjavik, 3rd place sila sa Masters Copenhagen at runner-up naman sa Valorant Champions 2022.
Isa pang koponan na pumalyang makakuha ng spot sa EMEA region ay ang FunPlus Phoenix, na nagwagi sa Masters Copenhagen.
Ayon sa Riot Games, ang mga nakaraang competitive performances ay hindi isang key consideration sa kanilang desisyon. “We instead focused on an organization’s ability to create the most compelling VCT for fans in the future.”
Ang mga koponan at organisasyon na hindi nakapasok sa franchising ay pwedeng sumali sa Challengers leagues sa susunod na taon. Ang top teams na lalabas sa Tier 2 scene ay makakasunggab ng tsansa na umakyat sa international leagues sa pamamagitan ng Ascencion tournaments.
Para sa iba pang balita tungkol sa esports at gaming, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.
BASAHIN: Listahan ng mga prominenteng esports organizations na hindi nakapasok sa VCT 2023