Inanunsyo ngayong hapon ang pagiging Tekken World Tour 2022 (TWT 2022) Dojo events ng mga Road to REV Major tournaments na magaganap sa mga susunod na linggo.
Pinakamalaking fighting game event sa Pilipinas ang REV Major, na isa ring Master event ng TWT 2022. At bilang paghahanda para sa pinakahihintay na event ng Pinoy fighting game community (FGC), naglatag ang mga Gariath Concepts ng isang series ng mga tournaments kung saan ang magiging kampeon ay magkakaroon ng libreng slot para sa REV – at ito ang Road to REV Major.
Ano ang Dojo events?
Upang maunawaan ang halaga ng mga Dojo events, kailangan muna nating maintindihan ang rules ng TWT 2022.
Ang TWT 2022 ay ang pinakamalaking event ng Bandai Namco sa taong ito para sa isa sa pinakasikat na fighting games sa mundo, ang Tekken 7. Ang TWT ay binubuo ng maraming tournaments mula sa iba’t ibang rehiyon ng mundo kung saan maglalaban-laban ang pinakamahuhusay na Tekken players.
Para makapasok sa TWT Grand Finals, kinakailangan ng mga players na makaipon ng points na makukuha nila sa pagsali sa mga events, at ang pinakamadaling paraan upang makakuha ng points ay sa pamamagitan ng mga Dojo events.
Ang mga Dojo events ay mga tournaments na sinasagawa ng mga local oraganizers na naaprubahan ng TWT. Ang dami ng points na makukuha sa isang Dojo event ay nakadepende sa dami ng sasali dito, maaaring makakuha ang kampeon ng hanggang 150 TWT points. Pwedeng sumali ng kahit ilang Dojo tournaments ang bawat player, ngunit ang apat na pinakamataas na Dojo finish lamang ang bibilangin sa kanyang final score.
Narito ang schedule ng mga tournaments para sa Road to REV Major:
DATE | VENUE |
June 25 | PlayBook Makati |
July 16 | SM City Pampanga |
July 23 | SM City Dasmariñas |
August 6 | SM City Seaside Cebu |
August 20-21 | SM Mall of Asia |
August 27 | SM City Davao |
Ang REV Major ay gaganapin sa September 17 hanggang 18 sa SMX Convention Center.
Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.