Muling pinatunayan ni Gen na sya ang isa sa mga pinakamahusay na Tekken 7 players sa mundo sa katatapos lang na Red Bull 2021 Las Vegas.
Ito ang unang pagkakataon na naisama ang Tekken 7 sa Red Bull Kumite, ang mga nakaraang events kasi ay nakasentro sa larong Street Fighter.
Nagharap-harap ang walo sa pinakamahuhusay na Tekken players sa buong mundo, matapos ang madugong pakikipagbuno, itinanghal na kampeon ang Japanese player na si Genki “Gen” Kumisaka.
Mga players sa Red Bull Kumite 2021 Las Vegas Tekken 7
May walong players na kasali sa tournament. Pito sa kanila ay invited, habang dalawa naman ang nakapasok mula sa Last Chance Qualifier (LCQ).
- Hoa “Anakin” Luu
- Nopparut “Book” Hempamorn
- Jeannail “Cuddle_Core” Carter
- Genki “Gen” Kumisaka
- Jae-Min “Knee” Bae
- Vincent “Super Akouma” Homan
- HyunJin “JDCR” Kim (LCQ)
- Byung Ho “Infested” Park (LCQ)
Red Bull Kumite 2021 Las Vegas Tekken 7 Group Stage
Ang walong players ay nahati sa dalawang grupo. Magkakasama sa Group A sina Knee, Gen, Anakin, at Book. Habang nasa Group B naman sina Super Akouma, JDCR, Infested, at Cuddle_Core.
Ang Group Stage ay may round robin format kung saan ang bawat laban ay first-to-two. Ang dalawang players na may pinakamataas na standing ang aabante sa Knockout Stage.
Sina Knee at Gen ang mga players na nanguna sa Group A, habang sina JDCR at Super Akouma naman ang mga nakalabas ng Group B.
Red Bull Kumite 2021 Las Vegas Tekken 7 Knockout Stage
First-to-four ang naging format ng Semi-Final Round sa Knockout Stage. Sa paghaharap ng dalawang legendary players ng Korea, nangingibabaw ang husay ng Geese ni Knee laban sa Armor King ni JDCR sa score na 4-0.
Sa kabilang dako naman ng bracket ay napaluhod ng Japanese pro player na si Gen ang pride ng France na si Super Akouma. Tinapos ng Lidia ni Gen ang tournament run ng Akuma ni Super Akouma, 4-2.
Gen vs Knee sa Grand Finals
Sa finals ay nagharap sa isang first-to-five series ang players ng dalawang magkaibang henerasyon ng Tekken, ang alamat na si Knee ng Korea at ang 20 anyos na si Gen ng Japan.
Mabigat at mainit ang naging laban ng dalawang halimaw ng Tekken. Ngunit sa huli ay nangibabaw ang husay ng Fahkumram ni Gen laban sa Steve ni Knee. Tinanghal na kampeon ang pambato ng Japan nang tapusin nya ang tournament sa score na 5-2 sa isang no round brown game.