Ang Japanese Tekken pro player na si Kana “Tanukana” Tani ay naakusahan ng nagbitiw ng insensitbong komento patungkol sa mga kalalakihang hindi katangkaran. Dahil dito, nagpasya ang CYCLOPS Athlete Gaming na pakawalan sya mula sa organisasyon.

Sa isang stream, sinabi umano ng Japanese pro player na “ang mga lalakeng mas maliit sa 170cm (5’ 7”) ay walang human rights.” Binanggit din nya na dapat nilang ikonsidera na sumailalim sa operasyon upang magpatangkad.

Agad namang naglabas ng pahayag ang CYCLOPS tungkol sa nangyaring insidente.

Credit: CYCLOPS

“We’ve confirmed that on February 15, Tanukana, who is a member of Cyclops Athlete Gaming, made an improper remark on a stream. Regarding this matter, we would like to offer a deep apology to the fans, sponsors, and everyone else who supports us,” pahayag ng organisasyon.

Humingi naman ng paumanhin si Xiaoyu player tungkol sa kanyang sinabi at nagpaliwanag na mahilig lang sya sa matatangkad at mali ang kanyang paraan ng pagkakasabi nito. Ang tweet na ito ay na-delete na, subalit nasundan ito ng isa pang tweet kung saan nanghihingi muli sya ng paumanhin.

Sa pagkakataong ito ay nanghingi sya ng tawad sa kanyang mga fans at sa kanyang mga sponsors dahil sa kanyang mga nasabi, na inaamin nyang mali at hindi kaayaaya.

“I take it seriously that my remarks during the delivery are unacceptable and that my lack of awareness has led to it. There is no excuse for disappointing you in this matter,” sabi ng Japanese Tekken player. “As a professional esports player and as a member of society, I deeply regret and apologize for betraying you.”

Dahil sa mga pangyayaring ito, ang CYCLOPS, kasama ang iba pang mga sponsors , ay nagpasyang tanggalin ang pro player sa kanilang mga official pages. Naka-pin sa Twitter ni Tanukana ang tweet ng CYCLOPS tungkol sa kanyang pagkakatanggal mula sa esports organization.

Bagama’t marami ang hindi natuwa sa ginawa ng Tekken pro player, marami pa rin ang nagsasabi na masyadong mabigat ang natanggap nyang parusa para sa nagawa nyang kasalanan.

Sa tingin nyo, tama ba ang parusang pinataw sa kanya?  

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.