Sa nakaraang EVO 2022 Announcement Show exhibition match, ipinakita ni Knee ang kanyang husay sa paggamit ng Bryan taunt.
Pagkatapos ianunsyo na kasali ang Tekken 7 sa mga titles na tampok sa EVO 2022, nagkaroon ng first-to-two exhibition match sa pagitan ng dalawang Tekken gods na sina Jae-Min “Knee” Bae at Hyunjin “JDCR” Kim.
Nanalo si Knee sa score na 2-0 gamit ang kanyang Bryan laban sa Fahkumram ni JDCR. Ngunit ang pinaka-highlight ng laban ay kung paano tinapos ng Bryan god ang unang match gamit ang isang balcony break wall carry Bryan taunt combo sa Jungle Outpost.
Sa isang tweet ni Seong-ho “Chanel” Kang, matalik na kaibigan at kapwa pro player ni Jae-Min, binanggit niya na 22 years nang Bryan user ang Korean Tekken god.
Bukod pa rito ay nabanggit din ng sikat na FGC personality at commentator na si Mark “MarkMan” Julio na si Knee ang nagpasikat ng paggamit ng Bryan taunt.
“You gotta remember, Knee is the one that really popularized the use of the taunt, and he was able to utilize it in such a way that it becomes a threat,” sabi ni MarkMan.
Breakdown ng Knee Bryan taunt combo sa EVO 2022 Announcement Show
Ang combo na ginawa sa match ay nagsimula sa isang counter hit Mach Kick, dahilan upang ma-screw ang kalaban, na sinundan ng Cross Bazooka. Nasundan ito ng Front Kick na nag-transition papunta sa isa na namang Cross Bazooka na nagdala ng kalaban sa wall. Ginawa niya ang standard wall combo na Blackout to Crash impact na naging sanhi ng balcony break. Pagdating sa lower part ng stage ay ginamit ni Knee ang Bryan taunt bilang wall carry filler, hinabol niya ito ng one-four combo upang mapaabot ang kalaban sa isa na namang wall, kung saan muli niyang ginamit ang Crash impact bilang combo ender.
Ang kabuuan ng combo ay umubos ng halos 2/3 ng lifebar ng Fahkumram ni JDCR na nasa humigit-kumulang 121 damage. Kapansin-pansin din ang kakaibang paggamit ni Knee Bryan taunt bilang wall carry tool, pati na rin ang paggamit niya ng taunt upang makapag-bait ng counter hit mula sa kalaban.
Narito ang notation ng combo:
CH f,f+4, (dash in), qcf+2,1, b+3,f, 2,1 (wall), d/f+2,1, d/b+1+2, (balcony break), (dash in), 1+3+4, (dash in), 1,4, (dash in) d/b+1+2
Mapapanood ang buong exhibition match dito:
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.