Sa katatapos lang na Tekken 7 group stage ng 14th World Esports Championship ng International Esports Federation (IESF), nangibabaw ang husay ng mga sikat na international Tekken players tulad nina Arslan “Arslan Ash” Siddique at Shoji “Double” Takakubo sa kani-kanilang mga grupo.

Mahigit sa 40 Tekken players mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang dumalo at hinati sa 8 groups na sumusunod sa isang round robin format. Ang top two players ng bawat grupo ay uusad sa Main Event Elimination Stage.

Arslan Ash at Double naghari sa group stage sa IESF 2022

IESF 2022 Double LeatherWarlord
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa Group E, ang unified EVO champion na si Arslan Ash ay nakagawa ng isang perfect run upang makapasok sa susunod na stage ng tournament. Kasunod niya sa leaderboard ang kinatawan ng Venezuelan na si Rafael “Fuko La Muerte” Yanez, na nakaharap niya sa unang set ng group stage.

Itinabi muna ni Arslan ang kanyang Zafina at inilabas ang kanyang Kunimitsu upang labanan ang Marduk ni Fuko. Muntik nang makuha ng Venezulan fighter ang game 2, ngunit sa kasamaang-palad ay isang malaking whiff ang nagbigay sa EVO champ ng combo window para kumuha ng round at dalhin ang laban sa final round. Nabawi ni Arslan ang buwelo at natapos ang round sa loob lamang ng 17 segundo, tinalo niya ang Venezuela 2-0.

Ipinagpatuloy ng kinatawan ng Pakistan ang pagtalo sa iba pang mga manlalaro sa grupo, sina Lucius Jonathon “Lucius” Antoine ng The Bahamas, Hitesh “RCool” Khorwa ng India, at Ahmed Abu “Soulfrost” Mariam ng Palestine.



Pareho ang kuwento na nangyari sa Group G kung saan nilipol ni Double ang lahat sa kanyang grupo upang maging 4-0 at maging number one seed. Kasama niyang nakalabas nang group stage papunta sa Main Event ay ang Korean representative na si Lee “Jokre” Chan Mo na may 3-1 run, na nagtamo lamang ng talo mula sa Japanese Law player.

Resulta ng group stage sa IESF 14th World Esports Championship Tekken 7

IESF 2022 14th World Esports Championship Fire Stage
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Ang top two players mula sa bawat grupo ay uusad sa Main Event Elimination Stage, kung saan magkakaalaman kung sino ang huling walong players para sa Main Event.

Batay sa IESF rulebook, sa kaso ng tabla sa pagitan ng dalawa o higit pang manlalaro sa group stage, ang kanilang pwesto sa standings ay pagpaapsyahan ayon sa mga sumusunod.

• Resulta ng head-to-head match sa pagitan ng mga players, kung hindi naaangkop;

• Point differential (panalo sa laban = 1 puntos), kung hindi naaangkop;

• Rematch (single-game match).


Group A

COUNTRYWINLOSE
Thailand40
Kuwait31
UAE22
Panama13
Uzbekistan04

Group B

COUNTRYWINLOSE
Chinese Taipei40
Tunisia31
Malta22
Costa Rica13
Chile04

Group C

COUNTRYWINLOSE
Ivory Coast40
Poland31
Philippines22
Laos13
Colombia04

Group D

COUNTRYWINLOSE
Australia40
Canada31
IESF22
Hungary13
Jamaica04

Group E

COUNTRYWINLOSE
Pakistan40
Venezuela22
The Bahamas22
India22
Palestine04

Group F

COUNTRYWINLOSE
Guatemala31
Jordan22
France22
Mauritius22
Iraq13

Group G

COUNTRYWINLOSE
Japan40
Korea31
Algeria22
Montenegro13
Libya04

Group H

COUNTRYWINLOSE
Saudi Arabia40
Brunei31
Morocco22
Serbia13
Namibia04

Ang IESF 14th World Esports Championship Tekken 7 Main Event Eliminations Stage ay magsisimula sa December 6, 5:40 p.m. (GMT+8).

Mapapanood ang mga matches nang live sa official Twitch channel ng IESF.  

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.