Sinimulan ng Pakistani Tekken player na si Arslan “Arslan Ash” Siddique ang kanyang 2022 competitive journey sa isang nakakabilib na performance ng kanyang Zafina sa Combo Breaker 2022.
Nagsimulang pumutok ang pangalan ni Arslan Ash noong 2019 bilang kauna-unahang player na nanalo ng parehong EVO titles, EVO Japan at EVO, sa loob ng isang season. Sa kabila ng pagtatapos ng taon sa kanyang maikling run sa Tekken World Tour Finals, nagpatuloy siyang amg-practice sa kahabaan ng COVID-19 pandemic, sa pamamagitan ng pag-grind sa Pakistani scene at paminsan-minsang paglipad upang lumaban sa ibang rehiyon.
Sa pagbabalik ng mga offline fighting game events tulad ng Combo Breaker, muling nagkaroon si Arslan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang husay.
Arslan Ash dinurog si Gen gamit ang sidestep Rage Drive
Mahusay ang naging run ng Red Bull-FATE sa finals bracket, kung saan pinatumba niya ang mga NA favorites na sina Hoa “Anakin” Luu at Marquis “Shadow20z” Jordan. Sa Combo Breaker grand finals, nakaharap ni Arslan Ash ang Japanese pro na si Genki “Gen” Kumisaka.
Siang poke-heavy playstyle ang ipinamalas ni Arslan gamit ang kanyang Zafina, na unti-unting umubos sa buhay ng Fahkumram ni Gen gamit ang mga mabibilis na jabs at low kicks. Kinalaunan ay nasundan din ni gen ang kanyang attack pattern at nagawang maka-parry ng isang low poke para sa isang malakas na combo.
Dahil sa natamong damage ay nakakuha si Arslan ng Rage, na gagamitin niya upang tapusin ang laban. Matapos mapatama ang Inanna’s Fury (b+1+2), nag-sidestep ang Pakistani pro para makaiwas sa mid kick (WR+4) ni Gen at daliang nagpakawala ng Rage Drive upang kunin ang ikalawang round ng game two.
Arslan winalis ang final series ng Combo Breaker 2022
Dahil sa hindi nagtagumpay ang kanyang Fahkumram, nagbalik si Gen sa kanyang dating main na Shaheen sa final game. Dahil sa damage na pwedeng ibigay ni Shaheen gamit ang Stealth Step, nanatili si Arslan na nakadikit kay gen upang maiwasan ang paggamit ng stance na ito.
Sa huling round ay desperado nang ginagamit ni Gen ang Stealth Step mix-up, ngunit nakapagbitaw si Arslan ng isang Backhand Thrust (d/b+2) upang tapusin ang best-of-five series sa isang sweep.
Ang pagkapanalong ito sa Combo Breaker Tekken ay isang perfect start para sa 2022 season ni Arslan. Bukod sa malaking bahagi ng tournament prize pool, ang Tekken champion ay nanalo rin ng libreng flight at hotel accommodation para sa EVO 2022.
Handa na ba si Arslan na depensahan ang kanyang titulo sa EVO?
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.