Bago pa ito makilala bilang Tekken, ang pinakasikat na fighting game ng Namco ay tinawag na Kamui, at makikita sa bagong video mula sa Bandai Namco kung paano nagsimula ang videogame series na ito.

Nitong nagdaang taon, naglalabas na ang Bandai Namco ng mga maiikling history-lesson videos tungkol sa kanilang mga classic games sa kanilang Namco Museum of Art brand sa kanilang YouTube channel. At nitong nakaraan ay inilabas nila ang kanilang pinakahuling video tungkol sa pinagmulan ng Tekken noong 1994.

Tekken Kamui Early Stages
Credit: Bandai Namco

Sa pagtalakay sa kasaysayan ng PlayStation-based arcade hardware na System 11, tinatalakay rin sa video ang pinagmulan ng Tekken bilang isang fighting game para sa bagong hardware, kung saan pinapakita rin ang mga sinaunang development footage na may dalawang characters na naglalaban sa malawak na background.

Mga concept arts para sa Kamui at Tekken

Tekken History Kamui Concept Art
Credit: Bandai Namco

Pinakita sa video ang mga litrato ng mga lumang sketches at mga designs para sa project noong kilala pa ito sa tawag na Kamui, kung saan makikita ang mga characters na malayo sa mga Tekken characters na nakilala natin. Makikita rin ang mga concept sketches ng Tekken para sa mga characters tulad nina Jin, Paul, at Heihachi.

Noong June, inanunsyo ng Bandai Namco general manager na si Katsuhiro Harada na ang pinakahuling version ng Tekken, ang Tekken 7, ay nakabenta ng mahigit siyam na milyong kopya mula nang ilabas ito noong 2015, kung kaya’t lalampas sa 53 milyon ang kabuuan para sa franchise.

Mapapanood ang kabuuan ng video dito:



Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.