Muling kinuha ni PBE AK ng PlayBook Esports ang korona sa katatapos lang na Road to REV Major Tekken 7 tournament na ginanap nitong nagdaang Pinoy Gaming Festival 2022 (PGF 2022).

Tinawid ni Alexandre “AK” Laverez na may undefeated run ang double-elimination bracket ay binuo ng 128 players na kinabilangan ng ilan sa mga mahuhusay na Tekken players. Ang tournament na ito ay isa ring Dojo event na bahagi ng Tekken World Tour 2022.

PBE AK at Pasay Boys sa finals ng Road to REV Major tournament sa PGF 2022

Tekken PBE AK Road to REV Major PGF 2022
Credit: Ron Muyot/ONE Esports

Sa best-of-five series sa Winners Finals ay nakaharap ng Shaheen ni AK ang Zafina ng pamabato ng Teletigers Esports na si Michael “RGN” Balaga.

Matapos lumamang ang PBE sa score na 2-0, nagpalit ng character si RGN upang tapatan ang Shaheen ng kalaban sa isang mirror match. Ngunit kinuha pa rin ni AK ang ikatlong game, no round brown, gamit ang isang Rage Art finish upang tapusin ang series sa score na 3-0.

Sa Losers Finals naman ay nakasagupa ni RGN ang kapwa Pasay Boy na si Ryan “Tomahawk” Cocharo, isang kilalang King main.

Tekken Tomahawk Road to REV Major PGF 2022
Credit: Ron Muyot/ONE Esports

Dikdikan ang naging laban ng dalawa na nauwi sa Game 5 ng best-of-five series. Nakuha ni Tomahawk ang unang dalawang rounds, subalit hindi basta-bastang nagpatalo si RGN. Nagpakita siya ng kakaibang momentum upang pumabor sa kanya ang takbo ng laban, dahilan upang maipanalo niya ang sumunod na tatlong rounds. Nakuha ni RGN ang series sa score na 3-2, kasabay ng pagkakataong makabawi kay AK na naghihintay sa Grand Finals.

Akuma ang ginamit ni RGN upang subukang masolusyunan ang Shaheen ng SEA Games silver medalist sa Grand Finals. Sa kabila ng malahalimaw na damage na dala ng Akuma ay ipinakita pa rin ni AK kung bakit siya ang nararapat na maging kampeon ng tournament. Sa score na 3-0 ay tinapos ni AK ang tournament.

Lingid sa kaalaman ng marami ay dating mga teammates at sparring partners ang anim sa Top 8 players ng tournament na sina AK, RGN, Tomahawk, Paolo “Pao Islaw” Dizon, Kreance “SweetCakeKreance” Bautista, at Steven “Dragonking” Lopez, na pare-parehong mga miyembro ng Team SMAP na nakabase sa Pasay kung kaya’t nakilala rin sila bilang mga Pasay Boys.

Tekken PBE AK with Team SMAP
Credit: Ryan Cocharo

PGF 2022 Road to REV Major Tekken 7 Top 8

  • PBE AK
  • TGR RGN
  • Tomahawk
  • REVO Pao Islaw
  • SweetCakeKreance
  • Gold Standard
  • Dragonking
  • Arteyy Bubuyog

Ang REV Major 2022 ay gaganapin sa SMX Convention Center sa September 17 hanggang 18.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.