Natunghayan sa REV Major 2022, ang pinakamalaking FGC event sa bansa, ang kahanga-hangang Tekken performance mula kay Jeon “JeonDDing” Sang-hyun ng DH.CNJ Esports.
Nakaharap ng Korean player ang 2018 Tekken World Tour champion na si Jeong “Rangchu” Hyeon-ho sa grand finals.
Bagama’t gumamit ng ilang characters si JeonDDing sa kabuuan ng tournament, tulad ng Eddy Gordo at Lucky Chloe, nakipaglaban siya sa buong series gamit ang kanyang Julia Chang.
JeonDDing itinumba si Rangchu sa isang mainit na REV Major 2022 grand finals
Sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Rangchu sa kanilang winners bracket match, handa si Jeon na maghiganti sa bear speacialist sa grand finals.
Ang final round ng huling series ay nagkaroon ng matinding laban ng mga pokes. Habang si Jeon ay dehado sa buhay, nagawa niyang baligtarin ang sitwasyon gamit ang mabibigat ang isang mabigat na combo mula sa hop kick.
Nagpalitan ng bira ang dalawa hanggang sa tig-isang hit na lang ang natitira sa kanilang mga health bars. Sinubukan ni Rangchu na magbato ng Anger Hook (b,f+2) ngunit humangin ito, kung kaya’t mabilis itong na-punish ni JeonDDing ng Lashing Arrow (f+3~1) upang makuha ang game at ma-reset ang bracket.
Matapos ang reset ay makikitang nakuha na ni Jeon ang galaw at tiyempo ng kalaban, kung kaya’t madali itong nakalamang sa score na 2-1 sa best-of-five series.
Sa huling round ng tournament, nakapagpatama ng Heaven Shatter Kick (b+3) ang DH.CNJ player sa pasugod na Panda ni Rangchu. Na-convert niya ito upang maging combo upang tapusin ang tournament at tanghaling kampeon ng REV Major 2022.
Tungkol sa kanyang tournament experience at yumaong lolo
Nagsalita si Jeon tungkol sa tournament at kung gaano kahalaga sa kanya ang manalo dito. Sa pagharap sa mga top players gaya ni Rangchu, masaya na siyang nakatungtong sa top 8 at naniniwala siyang sinwerte siya na manalo bilang kampeon.
Nagpasalamat din ang Korean player sa local crowd at sa kanilang mainit na pagtanggap. Bagama’t nasa ikalimang taon pa lang siya ng pagiging pro, pakiramdam niya ay isa siyang celebrity sa mga Filipino fans at nagpapasalamat sa mga lumapit sa kanya upang magpakuha ng litrato at manghingi ng autograph.
Kasalukuyan din siyang may pinagdaraanan habang nakikipaglaban sa tournament. Yumao ang kanyang lolo habang siya ay nasa REV Major, ayon kay JeonDDing. “I’m very happy right now that I got to give him a goodbye present by winning the tournament today,” sabi niya.
Sa kanyang pagjkapanalo, nag-uwi si JeonDDing ng US$5,000 at 400 Tekken World Tour points. Ang kampeon ay kasalukuyang pumapanglawa sa TWT 2022 Korea leaderboard na may 430 points, kasunod ni Bae “Knee” Jae-min na may 850 points.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.