Pitong taon na mula nang ilabas ang Tekken 7, pero sa kabila nito ay marami pa ring mga nakatagong tech na patuloy na nadidiskubre ng players. Isa na rito ang secret tech na ito ng cyborg na si Bryan Fury.
Naging bahagi si Bryan ng King of the Iron Fist storyline mula pa noong Tekken 3. Nakilala dahil sa kanyang pagiging sadista at sa brutal na move set, ang half-man-half-machine brawler na ito ay naging isa sa mga pinakasikat na character sa fighting game franchise.
Ang kanyang istilo sa pakikipaglaban ay kickboxing, kaya naman karamihan sa kanyang malalakas na galaw ay binubuo ng mga tuhod at siko, kabilang dito ang maaasahang Chopping Elbow.
Ano ba ang Chopping Elbow?
Ang Chopping Elbow (b+1) ay bahagi na ng arsenal ni Bryan mula pa noong Tekken Tag 1. Ito ay isang hard-hitting na galaw kung saan binabayo niya ang kanyang kaliwang siko at ibinabagsak ito sa kanyang kalaban.
Bukod sa pagiging maaasahang combo starter sa counter hit, binibigyan din nito ang player ng +4 frame advantage sa block at +7 sa hit, na tumutulong sa cyborg na magbigay ng pressure sa kanyang kalaban.
Ang nakakatakot sa elbow na ito ay sa kabila ng 20-frame na wind up nito, meron itong evasive property na nakakaiwas sa mga jab para sa potensyal na counter-hit na tumutuloy sa isang easy 60+ damage combo.
Gayunpaman, sa kabila ng mga nakakatakot na katangian nito, ang move na ito ni Bryan ay may isang depekto – madali itong ma-sidestep-an.
Walang homing property ang galaw na ito, kaya naman madali itong naiiwasan ng mga players na mahilig mag-sidestep. Pero swerte ng mga Bryan players, may isang tech na natuklasan upang i-lock ang mga nakakainis na kalabang ito.
Gawing homing ang Chopping Elbow ni Bryan Fury
Ang Filipino-American Tekken player na si Eduardo “Inkognito” Rada ay nag-post ng video sa kanyang YouTube channel tungkol sa isang secret Bryan tech na ibinahagi sa kanya ng isa sa kanyang mga viewers sa Twitch.
Sa video ay ipinakita niya kung paano magkakaroon ng homing property ang Chopping Elbow. Ginawa niya ito sa practice mode kay Lily, isa sa mga characters na may best sidestep sa laro.
Ayon kay Inkognito, may dalawang kundisyon na dapat masunod para gumana ang tech:
1) Dapat ay +8 ka
2) Ang Chopping Elbow ay dapat na input bilang b+1+2 sa halip na b+1
Upang magkaroon ng kinakailangang frame advantage, sinabi ni Inkognito na dapat kumabit ang Blackout Combo (d/f+2,1) o ang Stomach Blow (d/b+2), na parehong +8 on hit.
Kapag nag-input ng b+1+2 para sa command, mahalaga din na si Bryan ay walang Rage, na teknikal na pangatlong kundisyon. Kung hindi, ang Rage Drive ni Bryan ay lalabas sa halip na ang normal na siko.
Hindi pa alam kung sino ang orihinal na ankadiskubre ng tech na ito, dahil ang Twitch viewer ni Inkog na si Nashi mismo ay sinabing nakita niya lamang ang tech na ito sa Twitter dati.
Mapapanood ang video tutorial ni Inkognito tungkol sa tech na ito sa ibaba.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.