Tinanghal na kampeon ng Intercontinental Fight Club (ICFC) Asia Tekken Season 4 si Genki “Gen” Kumikasa.
Sa katatapos lang na ICFC Asia Tekken Season 4 Finals, muling naghari ang 20 anyos na Japanese Tekken player ng Donuts USG na si Gen sa kanyang undefeated tournament run. Sya ring nanguna sa leaderboard ng buong season na may 430 points, na sinusundan naman ni Jules na may 384 points, at AK na may 364.
Tinalo ni Gen ang kapwa Japanese player na si Kuzin sa unang round ng finals (3-1) at nakaharap naman nya ang isa sa mga pambato ng Pinas na si AK sa Winners Finals (3-0).
Sa Grand Finals ay nakaharap ni Gen ang kanyang teammate, ang kampeon ng ICFC Asia Tekken Season 1 na si Pinya. Muling nagpakita ng lakas ang Lidia ni Gen nang talunin nito ang signature Master Raven ni Pinya sa unang dalawang games ng Grand Finals. Sa Game 3 ay ginulat ni Pinya ang marami nang maglabas ito ng Devil Jin upang tapatan ang Lidia ni Gen at kunin ang ikatlong game. Nag-adjust si Gen at gumamit ng Leroy sa Game 4 upang tapusin ang Devil Jin ni Pinya sa score na 3-1 at kunin ang titulo bilang kampeon ng Season 4.
Kilala si Gen bilang isa sa mga pinakamalakas na players sa rehiyon dahil sa kanyang technical at adaptive playstyle. Ilan sa mga kampeonatong napanalunan nya sa taong ito ay ang Evo Onilne 2021 at Red Bull Kumite 2021 Las Vegas.
Para sa iba pang balitang esports, i-like at i-follow ang aming official Facebook page.